Remarks
This blog sometimes earn when you click 🖱 through some of the affiliate links 🔗. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.🥂 🥂 🥂
Featured Post
Hello sunshine. Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas. Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...
Hi luvies,
I just sent a copy of my diploma to WES thru
hellofax.. And it was an easy breezy.. Bilis nya lang grabe.. By the way this is the fax # of WES Canada 4169729004. Mabilis lang naman sundan ang hellofax para ka lang nag-email at higit sa lahat eto ay free need mo lang magregister sa kanila and you will get I think mga 7 free local/international fax.
O ayan ha nakasave ako sa courier charge. But of course luvies before sending your College Diploma sa WES put your reference # sa side ng diploma nyo para di naman maconfused ang ating mga officer. Sa dami ng applicants nila worldwide eh para madali ka din nila ma process ang iyong mga documents.
Let's wait for a couple of days kung ano ng update sa status ko. kasi ilang days ng awaiting documents yun eh. Busy naman kasi ako kaya di ko sya naasikaso at bihira lng ang off ko. Pero ngayon eto na. IIsa isahin ko na mga requirements ko para kahit pano eh lumalarga na sya.
O kayo ano ng status ng application nyo?
Hay sana makapag IELTS nako next..
See you soon luvies.
Finally luvies,
Aug 14, 16- Submitted WES application.
Hi luvies,
So eto na finally naglodge na ako ng papers ko sa WES for citizenship and immigration purposes. Meron ibat ibang website pala ang WES at dapat particular ka sa ikiclick mo.. Kanina ko lang eto nalaman..
Dapat iclick mo ang for ECA Citizenship and migration kng gusto mo talagang mg migrate sa Canada. at dapat maging aware din tayo sa fees in Canadian Dollar sya ha kaya maghanda na buti na lang at nahalukay ko sa baol ang inipon kung barya.. hihihi.
Eto ang binayaran ko
FSWP Credential Assessment Package - $200.00
Standard Delivery by Canada post - $ 7.00
Harmonized Sales Tax (HST) - $ 26.91
TOTAL - $ 233.91
I chose the standard delivery. It will take 2-3months they say. But its ok. Kuripot kasi ako.. sayang ang 85 Ca dollars. pang bayad ko din yun ng handling fee sa pagsend ng transcripts ko. Ngayon ang next mission ko is to print out my application forms and go to my respective school.
Medyo di ko lang naintindihan kung bakit di pwede isabay ang diploma sa TOR. Anyways I'll wait for my WES account to be updated then I will send my College Diploma. Pero bakit ganun sabi need daw ng high school diploma.. Pero sabi ng iba di na daw.. hmmn. Anyways I will wait for WES na lng..
Good Luck to me..