Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click 🖱 through some of the affiliate links 🔗. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.🥂 🥂 🥂

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Sunday, August 14, 2016

My WES Application- Credential Assessment to Canada

Hi luvies,

So eto na finally naglodge na ako ng papers ko sa WES for citizenship and immigration purposes.  Meron ibat ibang website pala ang WES at dapat particular ka sa ikiclick mo.. Kanina ko lang eto nalaman..

Dapat iclick mo ang for ECA Citizenship and migration kng gusto mo talagang mg migrate sa Canada. at dapat maging aware din tayo sa fees in Canadian Dollar sya ha kaya maghanda na buti na lang at nahalukay ko sa baol ang inipon kung barya.. hihihi.

Eto ang binayaran ko

FSWP Credential Assessment Package  -       $200.00

Standard Delivery by Canada post                -  $   7.00
Harmonized Sales Tax (HST)                      - $   26.91 
                                             TOTAL              -  $ 233.91


I chose the standard delivery.  It will take 2-3months they say.  But its ok. Kuripot kasi ako.. sayang ang  85 Ca dollars. pang bayad ko din yun ng  handling fee sa pagsend ng transcripts ko. Ngayon ang next mission ko is to print out my application forms and go to my respective school.

Medyo di ko lang naintindihan kung bakit di pwede isabay ang diploma sa TOR.  Anyways I'll wait for my WES account to be updated then I will send my College Diploma.  Pero bakit ganun sabi need daw ng high school diploma.. Pero sabi ng iba di na daw.. hmmn. Anyways I will wait for WES na lng..

Good Luck to me..

Tuesday, July 26, 2016

Divisoria Haul

Hello luvies,

Muzta naman kayo jan? Tinry ko ln mgblog gamiy ang celfon ko at possible pala sya.hihi. censya naman di kasi ako techie

Anyways share ko ln tong napamili ko sa divisoria. Konti ln kasi wala naman akong datung nun at ayaw ko mabawasan ang kaban ng yaman ko para lang sa mga bagay2..

Bale ang total netong lahat ay 1200 petot lang  o di ba ang tipid   pag sa mall ko binili mga to jusme bka kulang ang 2500 petot. Sa underwear lang ako napamahal 50 petot kasi isa eh pero sulit naman.napaka presko at komportable nya para ngang walang suot eh.hihihi..

Syenpre pa tuwang tuwa ang unica ija ko sa mga sando nya na 50 petot lang din at ang peyborit nyang si peppa pig na halagang 80 lng. Nakabili din ako ng doll shoes nya na 250 lanh. O laki ng natipid ko..

O sya lam ko nabore kayo sa kakarampot ko na haul, yaan nyo pag nka ipon ako bibili pa ako ng mas marami pa..

Saturday, June 4, 2016

IELTS: One on One Speak Test @ NINERS

Hi guys,

sorry ha medyo matagal ko na palang hindi nabibisita etong blog ko.  I was actually shocked na madaming comments na kailangan kong i-moderate.  Di ko talaga akalain na may nagbabasa pa ng blogs ko.  Censya na at busy busyhan ang hot momma nyo sa motherhood at sa career na pagiging nars..  Aside from that eh sumisimple din ako pag attend ng IELTS Class ko.  Tulad nyo ay nangangarapd din akong makarating at magtrabaho sa ibang bansa para sa ikauunlad ng aking pamilya lalo na ng nag-iisa kong bebegirl na si Luna.

Well guys, plano ko lang naman talaga umatend ng GT Reading 1 and 2 kanina.. First time ko eto,  oo... first time..hihihihi.. kaya quiet lang kayo ok?   Actually, Academic module talaga ang inenrol ko nung December kasi plano kung magpunta ng Ireland.  Meron kasi akong friend doon na willing akong tulungan kaya naconvinve ko ang sarili ko na subukan mag IELTS.  Pero, mga te, di biro pala ang pinasok ko..para akong lumunok o tumalon sa bangin.. di naman sa di ako marunong mag English - nakakaintndin naman ako gma tsong at tsang yun nga lang di ako ganun ka fluent at di ko rin gamay ang synonym ekek na yan. kaya halos mag hemorrhage ako sa reading at writing class na yan.  Tapos in a snap naisip ko bakit ba ako kukuha ng working visa s Ireland eh pwede naman akong kumuha ng PR Visa sa Canada gamit ang FSW..  Though di ko alam kung pano ko to gagawin pero anjan naman si pareng google para tulungan ako.

So balik na tayo sa kwento ko, may mga bago ng coach ang Niners kasi nagresign nas si Miss Mathie at Sir JV siguro sila ay mangingibang bayan na din at sa ibang lugar naman sila makikipag sapalaran. Anyho nashock ako kasi yun dating classmate ko sa review at former colleague sa Unciano Medical Center ay coach na ngayon.  Galing di ba? Ngaun ay Sir na ang tawag ko sa kanya.. Isa lang ibig sabihin nun ako na lang siguro ang di pa nag eexam.. Naalala ko the last time I saw him sabi nya "Mag-eexam na ako, bahala na!"  The next thing I know he passed the UKVI with flying colors..

Pero, ang coach that day for GT Reading 1 and2 is coach Joey.  He said he is an import from the main dahil wala pa yung mga new coach sa branch.  He is actually accommodating, a very warm and vibrant young man.  I am not sure if he is a Nurse as well.  So tuloy na tayo sa kwento ko ang dami kong sat sat eh nu. sa GT Reading 1- I scored 7, sa GT Reading 2 - I scored 6.5. I actually did well on my first time.. (yabang eh nu) I could have gotten a 7.5 or an 8.. My mistake was actually not rechecking my answers.  I did not pretend that I was actually in the real IELTS test.  I was so lax to make it short.  When we did the review that's the only time that I realized that I didn't really paid attention to the question.  Which is a common IELTS mistake..

Now, for the one one one Speak Test I actually scored 6.5.  But for me Sir Joey was so nice to give me that grade.  Based on my answers and gesture If I were the examiner I will give myself a 4.5.  ( Wrong grammar, wrong pronunciation, lack of content, no emotion, lots of ahms and pauses.)  Well I forgive myself that was my first.  And I promised myself to practice..


promise yan ha..crossing fingers.  I was actually happy nung pag alis ko. at least naharap ko ang fear ko and nahiya man ako di nya ako pinahiya sa barok english ko and tinuruan nya pa ako on how to do it right the 2nd time around..

btw, share ko lang sa inyo ang reference na binigay nya sa akin: hanapin nyo lang daw si AMY WALKER sa youtube.com 

nahanap ko din sya at eto practice pa more.. kahit na parang grade 1 lang ang peg.. kyebs ba.. basta maipasa ko lang ang IELTS na yan...

so fellow IELTS takers.. never fear..


nagmamahal,

hot momma

Sunday, December 29, 2013

Solutions for clogged toilet and sinks



Hi luvies,
nakakita na rin ako ng perfect solution sa mga baradong sink and toilet bowls. di lang yun abot kaya pa ang halaga at matatagpuan lang sila sa ating mga kusina.  ang dami kong natutunan ngayong araw na eto.


*courtesy of good news..

Ang Pakinabang sa itlog



Hi luvies,
Natuwa lang ako sa napanood ko sa youtube at gusto ko ishare sa inyo ang mga helpful tips na hatid ng ating ateng na si Vicky Morales from her Good News show.



Disclaimer: I did not own this video. I just wanna compile this on my blog site for my future reference.

Monday, December 9, 2013

Product Review: Safeguard with Tawas

Hi luvlies,

This is our families holy grail.  Even my almost 2 year old daughter is using it.  It helps eliminates body odor, even pimples.  I highly recommend this product.

I am not using any other safeguard products except this one. Though I tried some of them I always come back to this one.  It's not only affordable ts only true to its claims..

Thanks safeguard tawas fresh for clearing up my pimples.


Disclaimer:  I purchased this with my own money..


Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates