Hello Sunshine.
Last Saturday, I had my D&C dahil nga sa abnormal mens ko. Napagdesisyunan ni Doctora na mag D&C para malaman kung bakit ako nagkaron ng prolonged mensturation. Umabot na sya ng mga 24 days at may time na heavy at medyo mahilo hilo na din ako sa takot ko na maubusan ng dugo ay pumayag na ako. Pikit mata na lang ako sa takot.
Para na din matapos tong paghihirap ko sa menstruation. Pero hindi assurance ang D&C na hindi na uulit ang heavy bleeding ko gawa ng mayron akong myoma Maliliit lang naman eto. Parang forever na yata ako magkakaron ng heavy bleeding until mang menopause ako. Hay. Kaya mag aalalay ako ng ferrous sulfate para dumami pa ang rbc ko.
So yun, nakasurvive naman ako sa procedure saglit lang naman sya wala pang 30minutes na kakayudin ang loob ng matres at makakauwi rin naman agad. Yun paghihintay na lng ng histopath result ang matagal.
Please pray for me. Sana maganda ang resulta ng histopath.
Anong dapat gawin pagkatapos ng D&C/raspa?
- need magpahinga
- bawal magbuhat
- bawal magpagod
- bawal mastress
- inumin ang niresetang mga gamot
- panatilihing malinis ang pwerta at buong katawan.
~~~~~~~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~~~~~~
***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions.
Follow me and I will follow you ๐ ๐
๐ธ IG
๐งพ FB Page
๐ฌ Youtube
๐ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com
0 comments:
Post a Comment