Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click ๐Ÿ–ฑ through some of the affiliate links ๐Ÿ”—. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.๐Ÿฅ‚ ๐Ÿฅ‚ ๐Ÿฅ‚

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Monday, August 30, 2021

I had Dilatation and Curettage/Raspa | Women's Health

 Hello Sunshine.


Last Saturday, I had my D&C dahil nga sa abnormal mens ko.  Napagdesisyunan ni Doctora na mag D&C para malaman kung bakit ako nagkaron ng prolonged mensturation.  Umabot na sya ng mga 24 days at may time na heavy at medyo mahilo hilo na din ako sa takot ko na maubusan ng dugo ay pumayag na ako.  Pikit mata na lang ako sa takot.


Para na din matapos tong paghihirap ko sa menstruation.  Pero hindi assurance ang D&C na hindi na uulit ang heavy bleeding ko gawa ng mayron akong myoma Maliliit lang naman eto.  Parang forever na yata ako magkakaron ng heavy bleeding until mang menopause ako.  Hay.  Kaya mag aalalay ako ng ferrous sulfate para dumami pa ang rbc ko.

 

So yun, nakasurvive naman ako sa procedure saglit lang naman sya wala pang 30minutes na kakayudin ang loob ng matres at makakauwi rin naman agad.  Yun paghihintay na lng ng histopath result ang matagal.


Please pray for me.  Sana maganda ang resulta ng histopath.

 

Anong dapat gawin pagkatapos ng D&C/raspa?

  • need magpahinga
  • bawal magbuhat
  • bawal magpagod
  • bawal mastress
  • inumin ang niresetang mga gamot
  • panatilihing malinis ang pwerta at buong katawan.

 

 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 

***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions. 

Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜

 ๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page 

 ๐ŸŽฌ Youtube

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, August 19, 2021

RT PCR and Rapid Antigen swab test offered by KLOOK

 

 Hello Sunshine.


ECQ na naman ang kamaynilaan at hirap na naman tayo sa paglabas.  Marami tayong mga responsibilities na dapat gawin like pamamalengke, pagogrocery, pagpunta sa work at kung ano anong errands na dapat natin gawin.  Hindi maiwasan na tayo ay lumabas.  Kahit na naka facemask at face shield tayo ay hindi tayo ligtas sa Corona Virus.  Lalo na sa delta variants na yan na mabilis kumalat at makahawa.


Minsan tayo ay maay nararamdaman na hindi maganda at alam nyo ba meron ng mga RT PCR at Rapid Antigen swab test na pwedeng home service or drive through?  


Eto nadiscover ko na sa halagang P750.00 Ay makakapag swab test ka na at makukuha mo agad ang resulta.  Pwede kayong magpabook online.


Pwede kayong mag sign -up dito at magkakaron kayo ng P150 voucher. Pwede nyo pong iclick ang link para magkaron kayo ng P150 Wala po etong bayad.  Eto po ang link KLOOK RT PCR and Rapid ANTIGEN SWAB TEST

 

Kung kayo ay member na ng Klook ay pwede na po kayo dumiretso dito para makapagpabook na kayo ng test nyo.  Wala na pong P150 voucher.  Sa mga bagong member lang po kasi eto.   


Yun lng mga sunsshine.  Magandang araw.


Price: P750.00 

Where to buy: Klook

 

 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 

***Photo credits to the owner. 

***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions. 

 

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

 ๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube 

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Tuesday, August 17, 2021

Is it normal having your period for more than 2 weeks? | Women's Health

Hello Sunshine.

 

I personally experienced having a very long period.  It is like 16 days which prompt me to have a check up with my OB Gyne.  I was not planning to visit her actually because my period often slow don like a spotting and then the next day there will be gushing.  I was thinking this could be hormonal because I am experiencing stress lately with life and finances.  So just like you I am struggling to make our budget get buy and money for the check up is not part of the list.  I know what you will say.  Why I do not have an emergency fund.  That is what I am asking myself too.  Our income is just limited.  I do not have a multiple income stream.  Both my blog and vlogs income is not enough to cash out yet.  I hope you do not mind supporting me,  These way you are making a great impact on our life.  And we are just dependent on a single income household.  We are trying our best to make both ends meet.  But the expenses is just a handful.  I will strive harder to be financially independent.  I wish I can double our household income in a months time before Judith (due date) and Billy (bills) knock on our door again.

 

Well anyhow, I finally decided not to go to work to have a check up to find out what is wrong with my reproductive organ  because I cannot see an end to this bleeding episodes, I am afraid to get anemia and super afraid to get a blood transfusion God forbid.  I used whatever I saved for the bills to have a money for check up.



What the OB GYNE did?

First she wanted to check if I am pregnant.  So I had a pregnancy test.  It came out negative.

Next, She put a vaginal speculum to see where the bleeding is coming from and it came from the inside not definite which part of my reproductive organs.

Next she did an internal exam or IE to feel if I have some mass on my lower abdomen or shall I say matres in tagalog.  She did not feel any.  It is a big relief.

 I was supposed to have a Transvaginal Ultrasound but their machine is under maintenance that time so I have to go somewhere for the test.  This is to clearly see where am I bleeding.  

 

I went to her other clinic where there is Ultrasound machine and did the procedure there.  Then, she finally saw what is the cause of my long period. As of this writing it is now exactly 18days  She saw that I have Myoma or fibroids.  She found 3 myomas that she says a grape in size.  Which gave me a shock because I am only 43 years old and no bad habits like smoking and drinking alcohol, I am not even a fan of coffee and as much as possible I do not take self medicate.  I am still in disbelief.  She said she cannot clearly see what is inside my uterus because the lining and the bleeding still hinder her sight.  She needs to repeat all the test after 1 week if the menstruation will stop or else I will undergo a dilatation and curettage. I am praying and hoping that I won't have to go through that ๐Ÿ˜ญ ๐Ÿ˜ญ ๐Ÿ˜ญ 

 

After the visit she prescribed Tranexamic Acid.  Full dose 3x a day for 2 days.  I am kinda scared of this because the side effect of this medicine is having blood clots and that will be another ordeal. God forbid I will surpass this.

She also prescribed me Primolut N - a hormonal medicine particularly progesterone that will help my body control irregular bleeding or heavy periods.  This I have to take for 5 days.


As what I've said, I need to go back to her clinic again after 1 week to repeat all the test.


AWARENESS: Taking of Tranexamic Acid and Primolut N increased the risk of blood clot so extreme measure should be done.  And please get a prescription before taking any medicine because that might put you on risk for clotting.

 

 

What are my signs and symptoms prior to this longer period episode? 

 Nothing.  It just happen on the 5th day and my last day of my period while I was at work I felt a sudden heavy flow and I was puzzled because it was supposed to be the last day and all I have was a spotting.  I did not feel any pain like dysmenorrhea or even mild cramps.  When I got home I am fully soaked.  I just take it as my normal day.  On my 7th day this is the heaviest part because I can feel it dripping.  Excuse for those who are eating.  On the 10th day it slows down.  Then its like a roller coaster.  It will slow down then the next day it will gush.  I was thinking my body is expelling so much and little reproduction of blood is happening.  It might cause me anemia.  That is the time I decided to get a consultation.


What is myoma?

My Ob Gyne told me not to worry too much about myoma because it is mostly benign and eventually it will decrease in size if you reached the menopausal stage and most often people do not need surgery for that.

 

Mr Google answered most of my questions in mind.  Here is what I found out about it.

Myoma or fibroids appear during a woman's child bearing age and when her estrogen level is high.


How are we going to prevent myoma?

  1. Avoid salty food
  2. Avoid processed food
  3. Avoid alcoholic drinks/caffein
  4. Exercise regularly
  5. Loose weight if possible
  6. Eat potassium reach food.

 

How much does it all cost?

 Ob Gyne's fee - P500

Pregnancy test - P300

IE Test - P200

Transvaginal ultrasound - P1670

Medicine: Tranexamic acid - P39 per cap

Primolut N - P 45 per tab

 

 


 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 

***Photo credits to the owner.

 ***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions.

 

Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Friday, August 13, 2021

How to have Passive Income?

Hello mga Sunshine.
 
Sa panahon ng krisis dapat talaga mayron tayong iba pang income bukod sa ating regular employment dapat magkaron din tayo ng multiple income stream kahit maliit lang basta meron sabi nga ng mga intsik barya barya lang pero sure naman.

Sabi nga nila we should dream big.  Matagal ko ng gusto magkaron ng passive income kaya in my own little way gumagawa ako ng paraan to earn my side hustle.

Ngayon quarantine patok na patok ang online selling kasi nga bawal lumabas.

2. Apartment - isa eto sa mga goal ko para kahit paano sure na may monthly income ko.

3. Youtube - dami na ngayon youtuber dahil sa pagkainip at onti onti na silang nagkakaron ng followers and views

4. IG - nagsulputan na din ang online seller dito.

~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 
 

*** Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜
 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

 

Tuesday, August 10, 2021

How to stretch your monthly budget? | Finances


Hello Sunshine.


Madami akong nai encounter sa mga FB groups about tipid living and how to be frugal.  Saludo ako on how they manage their finances amidst the limited income.


Me and my family been struggling financially.  Kahit noong 2 pa kami nag nagtatrabaho sobrang wala kaming ipon and naipundar.  DI rin kasi kami mahilig magbenta benta on our day off.  Priority namin ang pahinga since on our day off anjan na nakatambak ang labada, maglilinis ng bahay, mamamalengke at of course magpahinga.  Siguro sa iilan ginagawa nilang night ang day at mostly sa kanila ay di na nagpapahinga.  Sa type ng work namin hindi pwede na hindi ka matutulog ng 6 hours or more kasi mahirap ang trabaho.  Katawan mo naman ang magbabayad neto later on.


Sometime nga sleep deprive pa lalo nung maliit pa lang ang anak namin.  Wala kaming yaya or kasambahay.  Kami kami lang juggling work, house chores and parenthood.


Ngayong pandemic we are solely dependent of single household income.  Sometimes sumasideline ako para magkaron ng pandagdag.  So san nga ba napupunta ang pera namin.


I know madami sa inyo magsasabi na pag aralan ang mga insights ni Mr. Chinkee Tan.  Pero if your resources are limited how are you going to manage?  Yun iba sasabihin magdagdag ng extra income stream? Do you mind if I ask how?  Mag online seller? Saturated na eto and some of them ay natetengga lang ang tinda and not getting the returns.  Mag sari-sari store?  Puro utang yan sa lugar namin.  Magtinda ng kakanin?  Lahat na yata ng household dito sa lugar namin may sariling tinda.  Mag ice candy? Yun mga bata naumay na.


Sa panahon ngayon a decent income to survive daily should be 25k.  What if we fall below that line?  The minimum is at P15k.  How are we going to survive having that much only?  Where ang lahat ng food commodities nagmamahalan?  Hindi naman pwede mag delata at mag noodles na lang palage or our health will suffer.


So tell me mga Sunshine how do you do it?  Kasi ako hindi ko magawa.  I wish I can save for the rainy days pero bago pa man magsweldo ay petsa de peligro na.๐Ÿฅบ 

 

Yun iba nakakapagpundar ng bahay, sasakyan at munting negosyo.  I wish ako rin.  Kami rin.. But how?

 

#struggles

 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

 ***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions. 

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Sunday, August 8, 2021

Affiliate Marketing | Passive Income

Hello Sunshine.


Alam naman natin na mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon.  Kaliwa't kanan ang gastusin at hindi tayo magkamayaw pagdating ng katapusan ng buwan dahil si billy(bills) at judith (due date) ay nangangatok na naman .  Hay naku talaga.  


Kay laking problema lalo na at wala naman akong hanap buhay na permanente,  Pasalamat na lang ako ako kahit papano ay nalilibang ko ang sarili ko sa pagsusulat ko ng blog na eto at kahit paano ay may returns naman sya kahit barya barya lang.  Ang blog na eto ay may mga affiliates na kung san pag nagjoin kayo or nagclik kayo ay magkakapoints ako or mag i earn ako yun ang tinatawag na passive income na kahit natutulog ka or may iba kang work ay kikita ka pa rin.  Pero hard work kung hard work talaga kasi bago ka kumita ay need ng traffic ng iyong blog or website.  So paano ba tayo magkakaron ng traffic?  Oh di ba kung EDSA lang ang blog ko malamang hayahay na ako.  Halos lahat ng tao ay nasa youtube, twitch, tiktok, instagram at fb.  Bihira na yata ang nagbabasa ng blog ngayon.


Mas gusto ko na etong nagsusulat ako at mas nai express ko ang sarili ko sa pagsusulat.  Napadami na naman ang daldaal ko.


Anyway, ano nga ba ang affiliate marketing?  Hindi naman eto bago at madami na din ang kumita dito.   Eto ay paraan na maipromote ang isang bagay o serbsiyo sa mga tao gamit ang iyong blog, youtube, twitter or instagram at pag may mga tao na bumili ng item na gamit ang link na iyon dun papasok ang kita mo.  Hindi man lahat bumibili at hanggang click lang ayos pa din yun at least may view.


Gaya ng blog ko.  May mga affiliate link eto.  Hoping na isa sa mga araw na eto ay kikita din ako.  Madaming mga websites ang nag ooffer neto.  Mas makakatipid nga naman sila kung mga Influencer, Blogger or Vlogger ang magpromote ng products and services nila kesa sa gma artista na isang ngiti lang ay milyon milyon na.


Keep posted mga sunshine at ipost ko kung saan ako affiliated at ang update kung kumita na ba ako.  Haha.  So far sa adsense pa lang ako nag iearn. I am hoping na makakuha pa ako ng extra raket kasi kailangan ko talaga ng extra income stream.


May mairecommend ba kayo?  Share naman jan!


 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

 

 ***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions.

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Maxicare EReady Advance Titanium | Product Review

 

Maxicare EReady Advance Titanium P2950

 Hello sunshine.


I recently purchased Maxicare EReady Advance Titanium sa kanilang website for my daughter because I want to save ourselves from the headache of going to the ER without money.  Alam naman natin sa sitwasyon ngayon dapat lage tayong handa and since money is one factor na mahirap hanapin at ilabas sa panahon ngayon kaya naisip ko good buy sya just in case kailanganin at least panatag ako na may aakibat sa gastusin namin.  Though di ko sya pinangarap gamitin pero iba pa rin yun may health care assistance lalo na sa panahon ngayon.  Sabi nga nila dapat insurance with health care benefits ang kinuha ko pero di pa stable ang income stream namin.  Tsaka na lang pag stable na kasi mahirap na maipit sa kakabayad ng bills tapos wala naman ako maipambayad. Too bad lang pag ganun lahat ng naipambayad ko will just go down the drain magkakapenalty pa for not completing the contract so opting for a prepaid is the best choice for me.


So ayun na nga mga sunshine Kumuha ako ng Maxicare Eready Advance Titanium worth P2950 sa kadahilanan na eto:

✅up to Php50,000 ER coverage + admission sa regular room, pati laboratories, diagnostic, medicine, Doctor's fee, medicine, IV fluids, Operating Room, ICU, blood products and anesthesia treatment.


✅ ✅ ✅ Good deal di ba? Di lang yun good for 1 year na ang card upon registration.


So eto na.  When I purchased the Maxicare EReady Advance Titanium P2950 through their website.  napaka smooth lang.  Nakarecieve agad ako ng e-mail ng instruction on how to register the reference number they've given.  I follow the instruction and when I key in the reference number ang sabi "the reference number is already registered."  Kumpyansa ako na ok na nga.  I waited for an sms or an e-mail of confirmation about my registration kasi sabi sa website after 24 hours of submitting the registration ay makakatanggap ako ng e-mail or sms together with the e-card.  I've waited and waited and waited.  pero bakit ganun mag 1 week na wala pa din confirmation eh nacharge na ako sa card and yet di pa pala active or confirmed man lang.  Sabi pa ang membership ay magiging active after 7days of confirmed registration.  Eh di nga sila nagpapadala ng e-mail nor sms kung succesful na ba ang pagregister ko so I e-mailed my concern.  Mag 1 month na actually from the date of my purchase and di pa din sila nag e-mail ng confirmation, if the card is active nasan na ang sinasabi nila na within 24 hours??  Ganun ba katagal mag verify?๐Ÿ˜ค ๐Ÿ˜ค ๐Ÿ˜ค 

 

In all fairness to the maxicare offline staff nagrereply naman sila after a few days of my e-mail.  I've sent them a few follow up e-mail and I recieved 3 replies with the same exact words on it, pati tuldok magkakaiba lang ang sender, and magkakaiba ng date sent.  They said they already forwarded my concern to the department who is handling this. Saan na kaya and sino ang in-charge dito? Nagbakasyon ba?  nadaganan ba sya ng sandamakmak na queries?  Bakit nobody is taking in charge of this. But why it's taking them so long para makarespond man lang.  Hahalukayin pa ba sa files nila yun information? Kaya ganun katagal magconfirm??   Pero ang bilis nila magcharge ha nakaltasan na ako for what I purchased from them.  And whoever is responsible for selling that card got their commision already. I know hindi lang ako ang bumili nun at madami silang clients pero it's been a month and I got nothing.  ganun ba katagal magvalidate if the card is registered? Hallooo.. Sana sinabi nyo sa add na it will take forever to validate para di umaasa ang buyer,  Not even a proper response to my query.  It is not proper.  I think every week ako nagpafollow up and every reply I got are all the same which is adding to my frustration.

 

Di po ako naninira.  I purchased to this company dahil may tiwala ako sa kanila but I think they just burned it together with my hard earned money.  I felt robbed sa totoo lang.  After paying it wala na. Tapos na.  Pinag-ipunan ko po yun pera na yun.  Alam naman natin money is hard to come by.  Di ko po balak gamitin ang card na yun.  I bought it for financial assistance in times of need na wag naman na sana and as a customer I want clarity and clarification on your part as a big company na sana kahit small time lang ako eh you're paying attention to your clients.


I even tried calling their hotline 8582-1900 and wanted to talk to an agent but all I got is a drop call.  Nakakafrustrate lang. ๐Ÿ˜ค ๐Ÿ˜ค Anyway, I hope di ganun kadami ang nasa sitwasyon ko.  I know di naman scammer ang kumpanyang eto and they are one of the biggest company sa Philippines.  They are just very poor in customer care. ๐Ÿ˜ณ Kung alam ko lang that I will be in this kind of situation I would have opted for a different prepaid health care provider.


As a customer I deserve transparency po that is all I want.  MY LINE IS OPEN FOR ANY MAXICARE STAFF OR AGENT REGARDING THIS MATTER.


qUESTION: Did you also buy Maxicare EReady Advance? What is your experience with them?


Price: P2950

Rating: ⭐️ 1 star for poor customer service.

~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 

 *** Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG 

 ๐Ÿงพ FB Page 

๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Friday, July 30, 2021

Tempra Cool Touch for Kids | Product Review

 

Hello sunshine.

 


 

 

Nung walang humpay ang ulan nagkalagnat๐Ÿค’ ang anak ko. Nakakatakot talaga lalo na at mataas ang banta ng Covid 19.  Di ko na sya dinala sa Pedia kasi nga mahirap na at baka makasagap pa doon ng sakit.  Una nagkasinat sya at nag tepid sponge bath na ako.  Nung madaling araw na dun na tumaas ang temperature nya nag 38.7 na sya kaya pinainom ko na sya ng Tempra (Paracetamol)  Tapos pinainom ko sya madaming water at pinunasan ko ng malamig na bimpo.  Iyon ang pinaka first na dapat gawin pag naglagnat ang bata.  Punasan ng basang basahan at tuyuin.  Saka suotan ng preskong damit para makalabas ang init ng katawan nya.  Dapat mag 37.8 degrees celcius muna ang temperature bago magpainom ng Paracetamol.  Same applies sa adult.  Di talaga advisable uminom ng Paracetamol ng walang lagnat or pain ang bata or adult.  Tandaan gamot eto at hindi dapat basta basta umiinom o nagpapainom ng gamot.

 

Kinaumagahan nagpunta ako ng drugstore para bumili ng Vivalyte, Tempra (Paracetamol) dahil ubos na ang aming stock at kumuha na din ako ng Tempra Cool Touch for kids dahil mas maigi na iyon kesa sa basang basahan na ilalagay ko sa noo nya. Dahil sa likot ng anak ko eh nadidislodge lang ang bimpo.


pagka uwi ko pinunasan ko ulit sya ng malamig na bimpo at tinuyo. Pinainom ng gamot at vivalyte sabay lagay ng Tempra Cool Touch for kids sa noo nya.  


Product Review: Nagstick naman sya agad pero wala pang 30minutes nadetach na sya ng kusa.  Di ko alam kung ganun ba talaga kasi yun ibang cooling pad na gamit ko noon ay ako mismo nagtatanggal at makapit sa balat pero eto yun pad mismo ang natanggal.  Kaya naglagay na naman ako ng panibago.  So yun lang naman ang feedback ko madali syang matanggal pero it serve its purpose naman. 


Nakagamit na ba kayo neto?  Kumusta naman?



Price: P50.00

Rating: 3 1.2 stars

Where to buy:  Over the counter sa Any drugstore.


~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 

 ***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions. 

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ ๐Ÿ“ธ IG - https://www.instagram.com/wengthoughts/ ๐Ÿงพ FB Page - https://www.facebook.com/wengthoughts ๐ŸŽฌ Youtube - https://www.youtube.com/channel/UChujhZ7xFbazG16w9abP0GA?sub_confirmation=1 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 22, 2021

Ginisang Monggo | Tipid Ulam Ideas

 

 Hello mga sunshine.


Ngayong wala akong trabaho sobrang hirap ako sa pagbabudget.  Lalo na at napakamahal ang bilihin.  Mapagulay, isda at lalong lalo na ang karne.  Di ko na alam kung paanong budget ang gagawin ko at kahit anong tipid eh di pa rin talaga sasapat. Dagdagan pa ng maulan ulan na panahon.  Hay naku.  Napapakamot na lang ako ng ulo kung ano ang ihahain ko sa twina.

 

Buti na lang at hindi mahirap pakainin ng gulay ang aking tsikiting at kahit paano ay nakakamenos, masustansya pa. 


Eto mga sunshine ang recipe ng aking Ginisang Monggo

1cup monggo

1 hiwa ng karne ng baboy๐Ÿฅฉ (eto nagpamahal) or dried hibi๐Ÿค para mas mura

2 pisngi ng kalabasa

1 medium ampalaya 

isang bungkos ng alugbati

ofkors wag kalimutan ang sibuyas, bawang, paminta, asin at patis.  Pwede gumamit ng magic sarap o knorr cubes depende sa inyong kagustuhan.


Total expenses ay P123.  Good for 2 ulaman na yan.  Medyo malakas din kasi kami mag-ulam.   Kayo anong tipid ulam nyo?  Share naman kayo.


#tipidulam

#ulamunder150

#tipidtips


This is not a paid post.

~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

 

 

 ***Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

๐ŸŽฌ Youtube

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Yakult Probiotic Drink | Product Review

 

Hello Sunshine.

 

Gustong gusto ko talaga ang lasa ng Yakult Drink lalo na after ko kumain.  Napaka satisfying sa palate at refreshing sya for me.  At di lang yun may probiotic content pa sya na nakakatulong saa ating gastro intestinal tract.  Alam nyo ba ang probiotic ay good organism o bacteria na nagpapanatili ng kaayusan sa ating bituka at healthy eto sa ating katawan.  Nilalabanan neto ang bad bacteria sa ating katawan kaya nakakatulong eto sa ating over all health.


Kaya napakalaki ng benepisyo neto.  Buti na lang ang Yakult ay may probiotics at na aafford natin sya sa murang halaga.  9pesos lang sya per bottle and you will get what you paid for.  Kesa uminom kayo ng softdrinks at juices na mataas ang sugar eh mas mabuti na eto.  Oh di ba?


Nakakatulong ang probiotic sa nutrient absorption, sa ating immune system at of course sa digestion.  Kaya nga ang logo lage ng Yakult drink ay OK KA BA TYAN???  


Hindi ko lang alam kung bakit di sila naglalabas ng medyo malaking bottle.  Nung nagpunta ako sa Macau meron silang malaking Yakult bottle sa mga grocery.  Sana lang maglabas sila ng medyo malaki ano.  Kasi di lang ako nag may gusto ng Yakult pati buong pamilya ko.  Of course maganda din sana ang Yoghurt as a source of probiotic pero may kamahalan eto nag kaunti.  Medyo mabigat sa bulsa ng ordinaryong Pilipino kagaya ko.  Iniisip ko nga pag bumili ako ng Yoghurt para na syang luxury sa panahon ngayon na nagmamahalan ang lahat at dapat unahin ang basic needs.


Kaya bawal tayong magkasakit.  ๐Ÿ’ช  Kailangan panatilihin natin na malusog ang ating pamilya. 

 

 

Price:  P45.00 per 5pieces

Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️

Store: Southstar or any store in the Philippines


~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

***Not a paid post.

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Tuesday, July 20, 2021

Pedia Sure Growing up Milk | Product Review

                                                               Open photo

 

 Hello Sunshine.


As you all know my daughter Luna have a weight issue.  She has poor appetite and she is such a picky eater.  I am having a hard time enforcing her to eat because she is already 9 years old and she has her own will now and definitely will not eat if she doesn't feel like eating.  She choose what to eat and mostly all of them have low nutritional value like hotdogs and ham.  

 

The fruits and vegetables, she is not into that.  So I have to think of some ways to hide them in my menu and once she tasted the vegetable part she will not eat it.  As for the fruit she only loves eating banana's and ripe mangoes.  Sometimes she is trying the watermelon and melon but she will just took a bite. We cannot give her acidic fruits because she has a hyper acidity issue and we've been battling for it for quite some time.

 

She also doesn't have the appetite for meats.  What I am doing is chopping them thinly so she will eat them. 

 

Fried fish is one of her favorites, once or twice a week I am cooking fried fish because she ate a lot when fish is our viand.


One problem also that I am facing is that she is such a slow eater.  It takes time for her to finish a meal. Oh kids. 

 

As a mom, it is really crucial for me to give her a balance diet because 1.  The budget.  Having a limited budget will only gave so little for us.  As much as possible I am trying to give her a decent and nutritious meal that our family deserves 2, The time.  When there is no time to prepare food we just buy outside.  I know what you are thinking but when I am at work there is hardly enough time to prepare for their food the next day.

 

Nakakahiya man pero ang anak ko ay maliit sa edad nya, payat, mapili sa pagkain at may kahinaan ang resitensya.  Kaya naghanap ako ng supplement to address all these need.

 

Good thing there are milk products that is offering full nutrition.  And now we are starting our Pediasure Journey.  Kakastart pa lang namin neto at umaasa ako ma achieve nya ang optimum potential when it comes to growth, appetite, gaining weight at of course ang paglakas ng resitensya.  Alam naman natin sa panahon ngayon kailangan maging matibay ang katawan natin lalong lalo na ng ating mga anak.


Mayron akong Pediasure Coupon. Pakiclick lang ang link sa may gusto. Wala po kayong babayadan dito.  Bagkus ay bibigyan pa kayo ng PEdiasure ng discount card at free trial pack milk.  Oh di ba?

 

I am not relying on Pediasure alone, of course I am teaching my daughter the importance of healthy and nutritious food that she should take because she needs all the nutrition she can get as she grows up.  Ayoko maging lampayatot sya sa kanyang paglaki.


What about you mga sunshine?  How do you deal with a lampayatot child?

 

Price:   P561.25

Store: Southstar Drug / Any drugstore or supermarket nationwide

 

 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

***Not a sponsored post.

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.  

 

Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister kayo sa balikpinas  Huwag po kayong mag-alala ang registration ay free.  Para po eto s lahat ng mga kababayan natin na OFW na magbabakasyon o mag for good na dito sa ating bayan.

Kung kayo ay nakaregister na huwag po kalimutan magscreenshot kasi ipapakita nyo po eto bago kayo makasakay sa eroplano.  Para rin po malaman ng ating ahensya ang petsa ng ating pag uwi at makakuha po kayo ng slot sa hotel at swabbing.  Lahat pong eto ay libre.

For a detailed video vlog please refer to this video.



Nawa po ay natulungan ko kayo.  Kung meron po kayong mga katanungan open po ang comment section at kayo po ay sasagutin ko kaagad pag may available time. 


#balikpinas

#pinoyabroad

#ofwlife


 ~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~ ~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~~~

***. Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜

 ๐Ÿ“ธ IG - https://www.instagram.com/wengthoughts/ 

๐Ÿงพ FB Page - https://www.facebook.com/wengthoughts 

๐ŸŽฌ Youtube - https://www.youtube.com/channel/UChujhZ7xFbazG16w9abP0GA?sub_confirmation=1 

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Sunday, July 18, 2021

Vivalyte : Answer to dehydration | Product Review

                                                          Open photo

 

Hello mga sunshine.

 

Kumusta naman ang mga araw nyo jan?

 

Share ko lang last Tuesday, we had a close call to a hospital admission due to severe vomiting.  My daughter eventually got a stomach flu and as we all know it is viral.  

 

Grabe ang sinusuka ng anak ko. Naka 8 beses na sya ng kakasuka kaya kahit gabi na ng isinugod ko sya sa Emergency Room for a check up ayoko madehydrate sya.  Sabi dapat 5 na beses pa lang ng pagsusuka eh isugod na sa hospital pero kasi humihinto naman pero nung nakikita kong dilaw na ang sinusuka nya at puro acid na dali dali na kaming nagbihis para magpakonsulta nagcomplain na din sya ng masakit ang kanyang tyan at lahat ng kinakain nya or iniinom nya ay isinusuka nya na.. and buti na lang mababait ang staff at Resident Doctor ng Mission Hospital sa Pasig  nilapatan nila agad ng lunas ang anak ko.  Nag order agad si doc ng lab test kung may infection ba sya at nagbigay agad ng paunang lunas like hydration via IV at gamot para matigil ang pagsusuka nya.  Inobserbahan din sya kung magtutuloy tuloy pa ang suka.  Awa naman ng Diyos ay huminto ang pagsusuka nya.  Niresetahan kami para makauwi ng Vometa at Oresol.  Pero ayaw ng anak ko ang lasa ng Oresol. Kaya naghanap ako ng alternative.


Sabi ng nababasa ko sa mga fb groups mas preferred ng mga bata ang lasa ng Vivalyte kaya ayon ang lage kung binibili.  Eto ang panghydrate ko sa kanya.  Di kasi kaya ng tubig tubig lang lalo na kung madami ang sinusuka.  Dapat ay immediate hydration ang kailangan para mareplenish ang loss of fluids and electrolytes ang katawan.  Sa totoo lang nakakatakot and dehydration lalo na sa mga maliliit na bata. Eto ay malimit na nakakamatay.  Kung ang mga anak nyo ay nakakaranas ng pagsusuka at pagtatae ihydrate nyo agad gamit ang Vivalyte para mas madali sila mapainom at dalhin sa inyong doctor para malunasan agad ang kanyang karamdaman.


Ano ang signs and symptoms ng Stomach flu sa mga bata?

1. Nausea and vomiting

2. Abdominal Cramps

3. Loss of appetite

 

Ano ang signs ng dehydration?

1. Dry or sticky mouth

2. Less urine

3. Dry skin

4. Sunken eyes

5. Irritable

6. Drowsy/sleepy

 

Signs and Symptoms ng dehydration sa baby:

1. Sunken fontanel

2.No tears when crying

 

Mga sunshine ugaliin magstock ng Vivalyte sa inyong tahanan minsan kasi ay walang stock minsan naman ay buy1 take 1 eto. Habang nagpapagaling ang anak ko pinapainom ko pa din sya neto para mabawi nya ang mga nawalang fluids and electrolytes nya.  Bigla din syang nangayayat kaya mayat maya ang pakain ko sa kanya.  Small frequent feeding muna kami ngayon.  Ayaw ko kasi mabigla ang tyan nya at baka bigla na naman syang atakihin ng acid.  Nakakailang atake na din nga ng stomach flu ngayong taon na eto.  

May mairecommend ba kayong especialista dito?  Pakilagay naman sa comment section mga sunshine.  Salamat.

Item: Vivalyte plus

Price: Php: 50.00 

Store: Southstar

 

Tags:

#hydration

#vivalyte

#fluidandelectrolytes

 

~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

 ***This is not a paid post.

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜

 ๐Ÿ“ธ IG 

 ๐Ÿงพ FB Page

  ๐ŸŽฌ Youtube 

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 8, 2021

Red Ribbon Cake Pack

 




 I recently purchased a Red Ribbon Cake Pack it is worth P120.00 with 5 different flavor slices and it is a hit to my daughter.  For about P120 she get to try the Ube, Marble, Chocolate, Double Dutch and chiffon.  Laking tipid na din eto mga Inay pang meryenda at treat pag sinusunod nila mga utos natin.  Atsaka napakalambot ng cake at di sya sobrang tamis.  Di din eto nakakaumay.  Buti na lang meron silang cake pack mas matipid kesa bumili ng whole cake. Sulit na din sya kahit paano napasaya ko ang aking munting prinsesa.  Bilin nya kasi sa akin na pag umalis ako ay bilhan ko sya ng cake at ayun nga tuwang tuwa syang makita ang pasalubong ko.  Di na inabot kinabukasan kinain nya na lahat., ang pinakagusto nyang flavor ay ang Chocolate.  Di talaga nagsasawa ang mga bata sa chocolate cake๐ŸŽ‚ .


Rating: 5 Stars ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Price: P120 super afford for 5 different flavors na.


***. Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜

๐Ÿ“ธ  IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

Monday, July 5, 2021

Erceflora Probi Bear | Product Review

Hello Sushine.

 

Fan talaga ako ng healthy living.  Mahilig ako sa gulay at prutas pero alam naman natin na hindi lahat nakukuha sa ating pagkain kaya naghanap ako ng supplement para sa aking anak.  Alam nyo naman kung gaano ka picky eater yun at napakapayat.  

Buti na lang may nakaisip na manufacturer gumawa netong Probi Bear.


Ang Erceflora probi Bear ay 2 in 1 probiotic.  Mayron etong Lactobacillus at Bifidubacterium na tumutulong sa ating digestion.  Magandang supplement eto para maiwasan ang stomach flu.  Ang maganda dito eto ay chewable shaped bear na tyak na magugustuhan ng ating mga tsikiting.  Eto ay recommended sa mga batang 3 years old pataas at ang kanyang flavor ay Vanilla.


Tyak na kagigiliwan eto ng inyong mga anak,

 

Price: P140.00

Store: Southstar

 

~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

***Not a paid post.

*** Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube

 ๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 1, 2021

US Tax Information on Adsense for Filipino Vlogger/Blogger

 Hello everybody.

 




Kumusta po kayo pasensya na at matagal naka hybernate ang blog na eto.  Since I am back I am going to try  my best to keep everybody updated on some hustle and bustle of my life and every now and then I am going to share some helpful videos and information to everyone.

 

So back to my topic I received an e-mail from my Google Adsense account asking me  about my US TAX Information.  Since I am not in the US and I am a full blooded Filipino I searched around and a fellow Youtuber gave me the perfect tutorial and I filled up the form as easy as a breeze.

 

Mahirap ng magkamali kasi pera na ang usapan mga sizt.  Hindi biro ang tax but then again responsibilidad natin na magbayad ng tax since it is how our respective countries generate income.  Para po makatulong tayo sa ekonomiya at mapagaan ng kaunti ang buhay buhay ng mga tao kung san man tayo nagbabayad ng tax di po ba?


Here is the link RODTv.  

Thank me later by following me on my youtube, IG and FB page.



 

***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

IG

FB Page

 Youtube

Tuesday, June 29, 2021

Anong solusyon sa Body odor sa 9 year old? | Big Problem

 

Hello mga sunshine.  

 

Magandang araw.

 

Ako ay naloka nung sabihan ako ng anak ko na mabaho daw ang kili kili nya.  Opo may kili kili powers sya.  Nakakahiya man๐Ÿ˜“ ipaalam sa buong mundo ay totoo po at naconfirm ko sa pamamagitan ng pag-amoy ko ng kili kili nya at maasim-asim nga๐Ÿ˜ข. (pasintabi sa mga kumakain jan) Dinaig pa ang may pasabog ng di naligo ng ilang araw๐Ÿ’ฃ. hehe. 

 

Well, nawindang ako kasi nasa loob lang naman kami ng bahay at wala sya masyado activity.  At ang masaklap pa neto ay kakaligo nya lang halos wala pang 1 hour nun.  Ang mas nakakaloka dun ay sya po ay 9 years old lamang.  Tama po ang inyong nababasa. 9 years old lamang sya at may maasim๐Ÿ‘ƒ na syang amoy sa kili kili. Hindi ko po mawari kung san nya iyon nakuha eh nasa loob lang naman kami ng bahay at naka aircon pa. 

 

Sa pagkakaalam ko kasi sa mga teenager lang eto at mga preteen kadalasan.  Kaya nga to the rescue ang mga Inay natin mga sunshine na sa ganyang edad ay meron na silang sariling roll on. 


Pero ako mga sunshine hindi ako prepared.  Pero buti na lang at mayroon kaming powdered Tawas. Pinaliguan ko sya agad at tinuruan ko paano hugasan ng maigi ang kanyang kili kili at private parts.  After maligo tinuyo ko sya ng husto saka ko nilagyan ng durog na tawas ang kili kili nya.  Araw araw namin tong ginagawa.  Ayoko kasi pagtawanan sya ng mga pinsan nya at asarin.  Kawawa naman eh pwedeng pwede naman natin solusyunan ang problema di ba mga sunshine?


Pag naliligo din sya ay nilalagyan ko ng konting baking soda ang pambanlaw nya medyo madulas nga lang sa pakiramdam ang may baking soda sa balat.  Make sure din na well hydrated ang ating mga anak at cotton ang kanilang damit.  Madalas ko din syang palitan ng damit para na rin mapreskuhan sya at di na magtagal pa ang pawis sa katawan nya.


Sa labahin naman nilalagyan ko ng suka ang huling banlaw.  Kasi may anti-bacterial property ang suka.  Hindi naman nangangamoy suka ang mga damit bagkos ay amoy fresh pa eto.

 

Hindi ko po sya pinagamit ng roll-on or ano mang deodorant.  Masyado pa kasi syang bata para dito.  Dun muna kami sa all natural approach.


Kahit na maliit pa ang anak ko ay tinuturuan ko sya ng good hygiene para na rin eto sa pagprepare sa kanyang pagdadalaga.


Sana may natutunan kayo mga sunshine.


Kayo po ano ang ginawa nyo para mawala ang BO ng inyong mga anak or ng inyong katawan?  Let's share po.


#tipidtips

#tawas

#notobodyodor


~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~ 

 ***Not a paid post.

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube  

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Monday, June 21, 2021

Honest bee - my go to online grocery app| Product Review

 

 Hello Sunshine,

                                        Preview

 

Isa ako sa mga fan ng online shopping.  Lalo na pag sa grocery.  Kaya napakahandy lang sa akin ng pag add to cart.  Ang gamit ko pa noon ay ang Honestbee app at namimili ako sa Robinson Supermarket.    Naalala nyo pa ba eto? Sila ang nagpa uso ng pagdedeliver ng grocery sa mga bahay bahay.  Napakalaking tulong neto sa akin lalo na noong nagtatrabaho pa ako at wala ako halos oras magpunta ng grocery.  Kahit nga sa Southstar noon pwede ako umorder gamit ang Honestbee.  mayroon silang COD meron namang online payment.  At pag may hindi available sa cart mo tatawagan ka nila para tanungin ka kung anong alternative.   Hindi lang yun, kahit umuulan ay nagdedeliver din sila.  Kaya naman nakakatuwa.  At yun mga pinamili ko ay kumpleto at maayos na nakasalansan.  Maari mo din tawagan yun online shopper na naka assigned or yun kumuha ng orders mo kung may ipapadagdag ka or para magfollow up.  Then pwede ka din magpaschedule kelan ideliver at anong oras.  Total convenience talaga sa consumer part.


Mayroon din silang referral link noon na kung may mag sign up na mga kaibigan at kakilala ay mabibigyan ka nila ng rebate.  Pero ngayon ang dami ng mga app na nag ooffer ng online grocery like shoppee, grab at kung ano ano lang.  Nakakamiss lang ang Honestbee.  I am one of the satisfied consumer.

 

Hindi ko lang alam ano nangyari at wala na ang Honestbee ngayon.  Madali pa naman gamitin kahit yun website nila. napaka user friendly.

 

Mga sunshine ano ang gamit nyong online grocery app? 


Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️



 

~~~~~~~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~ ๐Ÿ’— ~~~~~~~~

 ***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG

 ๐Ÿงพ FB Page

 ๐ŸŽฌ Youtube 

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Sunday, May 16, 2021

Efficascent Oil with menthol | Product Review

 Hello mga sunshine.


Magandang araw.  Kamusta naman kayo jan?  Nakakatawa ano po?๐Ÿคญ ang Ikikwento ko ngayon sa blog ko ay ang efficascent oil.. yes tama po ang nababasa nyo mga sunshine dahil aaminin ko po malaking ginhawa ang binibigay sa akin ng efficascent oil na eto.  Lalo sa panahong sumasakit ang likod ko๐Ÿ˜ฐ sa maghapon na trabaho at nakakaramdam ako ng paninigas ng kalamnan at kabag dahil sa sobrang aircon๐Ÿ˜ต . Abay pagdating ko ng bahay at pagkalinis ng aking katawan bago matulog nagpapahid ako neto sa likod at sa aking tyan.


Hindi ko kinakahiya na naghaplas ako ng efficascent oil mas mainam yun may menthol dama ko talaga ang lamig nya at pagiging effective nya. hihi.๐Ÿ˜Š  Tapos magtatalukbong lang ako ng aking kumot kahit bara ng ilong tanggal.  Kahit na kantyawan pa nila akong amoy matanda na ako eh mano ba naman kung ganun yung amoy kung ang ginhawa naman na nabibigay sa akin at nakakatulong na mabawasan ang sakit ng aking katawan oh di ba?  Aarte pa ba? Basta masarap ang tulog, bawi na ๐Ÿ›Œ๐Ÿป. Kinabukasan ready na naman rumatsada sa trabaho ang inyong sunshine.


Ginagamit ko din eto sa anak ko mga sunshine.  Pero konti lang.  Madalas alkamporado ang pinapahid ko kung masakit ang kanyang tyan at kung may panlalamig naman nilalagyan ko din sya sa talampakan at minamasahe ko sya sa likod ng alkamporado.  Pero mas madalas ako ang gumagamit ng Efficascent Oil.  Kahit san ako magpunta ay may baon akong haplas para pag kailangan ko ay agad agad mayron.  Di mo kasi masabi kung kailan ka papasukin ng lamig lalo na kung babyahe ka ng malayo at malamig sa sasakyan.  Asahan na agad na mananakit na likod kosa kakaupo at kakabagin na ako sa lamig. ahihi.๐Ÿคญ


Kayo mga sunshine, nagamit din ba kayo neto??


Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️

Price: P33.75

Store: Southstar

 

***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜˜ 

๐Ÿ“ธ IG 

๐Ÿงพ FB Page

๐ŸŽฌ Youtube

๐Ÿ“ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates