Hello mga sunshine.
Ngayong wala akong trabaho sobrang hirap ako sa pagbabudget. Lalo na at napakamahal ang bilihin. Mapagulay, isda at lalong lalo na ang karne. Di ko na alam kung paanong budget ang gagawin ko at kahit anong tipid eh di pa rin talaga sasapat. Dagdagan pa ng maulan ulan na panahon. Hay naku. Napapakamot na lang ako ng ulo kung ano ang ihahain ko sa twina.
Buti na lang at hindi mahirap pakainin ng gulay ang aking tsikiting at kahit paano ay nakakamenos, masustansya pa.
Eto mga sunshine ang recipe ng aking Ginisang Monggo
1cup monggo
1 hiwa ng karne ng baboy๐ฅฉ (eto nagpamahal) or dried hibi๐ค para mas mura
2 pisngi ng kalabasa
1 medium ampalaya
isang bungkos ng alugbati
ofkors wag kalimutan ang sibuyas, bawang, paminta, asin at patis. Pwede gumamit ng magic sarap o knorr cubes depende sa inyong kagustuhan.
Total expenses ay P123. Good for 2 ulaman na yan. Medyo malakas din kasi kami mag-ulam. Kayo anong tipid ulam nyo? Share naman kayo.
#tipidulam
#ulamunder150
#tipidtips
This is not a paid post.
~~~~~~~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~~~~~~
***Follow me and I will follow you ๐ ๐
๐ธ IG
๐งพ FB Page
๐ฌ Youtube
๐ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com