Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click 🖱 through some of the affiliate links 🔗. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.🥂 🥂 🥂

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Thursday, August 31, 2017

Pinoy Small Business Ideas

Hello luvies,

 Kumusta? Excited na ba kayong kumita at magkaron ng munting negosyo?  Ako oo..  Sana kayo rin at sana magustuhan nyo ang aking point of view.  Since summer na at aminado tayo at nararanasan natin ang sobrang as in sobrang init na panahon meron akong naisip na negosyo na siguro naisip nyo na din pero di nyo pa sinubukang gawin.  Madalas ganito ako.  Madami akong apprehension sa buhay kesyo ganito kesyo ganyan pero meron maliit na tinig sa aking sarili na ako ay negosyante marahil ay di ko pa natutunan ang tamang diskarte sa buhay at akoy abala pa sa aking pansariling pangarap at dahil kulang kulang din ang resources at diskarte ko kaya siguro medyo nag aalangan ako.  Pero mga wais ngayon ang panahon ng pagsubok sa mga bagay bagay lalo na kung ang pag uusapan ay
ang pagkakakitaan.  Tama ba?
Eto ang tunay at subok ng diskarte mga wais:
1. Magtinda ng yelo - oo na, ginawa na eto ng nanay nyo noon or marahil ng inyong lola pero alam ko iniisip nyo eto ay cheap na racket lamang.  Pero sa totoo lang mga wais cheap nga sya pero wag ka kumikita.  Ang puhunan mo lamang dito ay plastic ng yelo, kuryente, syempre ref at ang paskil na karaniwang sulat kamay lamang.  Imagine 3.00php isang yelo kung makabenta ka ng 10 sa isang araw ay 30.00php na un i multiply nyo ng 30days equals 300.00php din. sa panahon ngayon wlang magbibigay syo ng 300 habang ikaw ay nanood ng tv o nag iinternet di ba?

2. Magtinda ng ice candy - meron ka na rin lang yelo eh magdagdag ka na din ng masarap at malamig na ice candy na pwede mo itinda ng 1.00php o 2.00php at for sure click na iclic eto sa mga bata lalo na at bakasyon at mainit sa labas..

3. Magtinda ng Halo-halo - Mayroon ka na rin lang yelo eh lubusin na natin tayo na din ang magtinda ng halo-halo or shake naku tubong lugaw eto mga wais dahil ang pinoy mahilig sa matatamis at malalamig swak na pangmeryenda bago magsyesta hindi ba?

4. Magtinda ng babana-Q at kamote-Q - kung may pwesto na rin lang kayo sa tapat ng bahay nyo ay no sweat ang negosyong eto sa maliit na puhunan ay kikita ka tlaga sa 6.00php kada stick.  

5. Magbuy and sell ng damit, alahas pabango at sabon.

6. Eto pa kung mamami kayong mga bagay at damit, gamit na hindi nyo na ginagamit pwede nyo etong iukay-ukay at matututwa pa ang ibang makikinabang dito.

so pano mga wais gang sa muli..



Money is usually attracted, not pursued.” —Jim Rohn


0 comments:

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates