So eto ang napakahiwagang tanong sa ating lahat. Paano ba kumita gamit ang internet? Totoo ba eto? May kumikita ba talaga at magkano naman?
- Tama ba ako?.. I guess ii.
Ako'y isang pilantropo at hindi ako nagmamarunong at hindi ko sinasabi na walang katotohanan ang lahat. OO madami na ang kumita at yumaman. Madami na din ang nag encash ng US Dollar pay out nila. Hindi naman ako isa sa mga yumaman pero isa ako sa kumita di nga lang kalakihan pero ako ay kumita na.
Etong blog na to ay ilalaan ko sa pagbahagi ng aking nalalaman tungkol sa pagkita online. Medyo matagal-tagal na din akong hindi nakapagsulat at karamihan sa aking blog ay English tulad ng Spicy Life at Pinoy Nurses Zone pero ngayon at nahaharap na naman sa krisis ang aking buhay eh kailangan kong rumaket at kumita kahit paano habang ako'y nasa bahay lang. Sino nga ba naman ang hindi nahihirapan sa panahon ngayon sa mahal ng bilihin at daming bayarin di naman masama kung magkakaron tayo ng extra. Iba pa rin pag may regular job ka at may tinatanggap ka kada sahod at may benepisyo ka tulad ng SSS @ Philhealth. Tama ba ako?.
Alam kong madami ng naglipana na tutorial online tungkol sa pagkita ng pera. nainspire lang akong magsulat muli sa wikang Filipino dahil una wala pa akong blog na Filipino at ikalawa para masaya di ba? Sana po ay kagiliwan nyo ang aking akda at subaybayan ang aking mga sulat. Sabay sabay nating tuklasing ang mga bagay bagay at ang iba pang mapagkakakitaan bukod sa ating mga trabaho.
Salamat mga bagong wais..
Never spend your money before you have earned it.”
—Thomas Jefferson
0 comments:
Post a Comment