Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click πŸ–± through some of the affiliate links πŸ”—. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.πŸ₯‚ πŸ₯‚ πŸ₯‚

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Tuesday, June 29, 2021

Anong solusyon sa Body odor sa 9 year old? | Big Problem

 

Hello mga sunshine.  

 

Magandang araw.

 

Ako ay naloka nung sabihan ako ng anak ko na mabaho daw ang kili kili nya.  Opo may kili kili powers sya.  Nakakahiya manπŸ˜“ ipaalam sa buong mundo ay totoo po at naconfirm ko sa pamamagitan ng pag-amoy ko ng kili kili nya at maasim-asim nga😒. (pasintabi sa mga kumakain jan) Dinaig pa ang may pasabog ng di naligo ng ilang arawπŸ’£. hehe. 

 

Well, nawindang ako kasi nasa loob lang naman kami ng bahay at wala sya masyado activity.  At ang masaklap pa neto ay kakaligo nya lang halos wala pang 1 hour nun.  Ang mas nakakaloka dun ay sya po ay 9 years old lamang.  Tama po ang inyong nababasa. 9 years old lamang sya at may maasimπŸ‘ƒ na syang amoy sa kili kili. Hindi ko po mawari kung san nya iyon nakuha eh nasa loob lang naman kami ng bahay at naka aircon pa. 

 

Sa pagkakaalam ko kasi sa mga teenager lang eto at mga preteen kadalasan.  Kaya nga to the rescue ang mga Inay natin mga sunshine na sa ganyang edad ay meron na silang sariling roll on. 


Pero ako mga sunshine hindi ako prepared.  Pero buti na lang at mayroon kaming powdered Tawas. Pinaliguan ko sya agad at tinuruan ko paano hugasan ng maigi ang kanyang kili kili at private parts.  After maligo tinuyo ko sya ng husto saka ko nilagyan ng durog na tawas ang kili kili nya.  Araw araw namin tong ginagawa.  Ayoko kasi pagtawanan sya ng mga pinsan nya at asarin.  Kawawa naman eh pwedeng pwede naman natin solusyunan ang problema di ba mga sunshine?


Pag naliligo din sya ay nilalagyan ko ng konting baking soda ang pambanlaw nya medyo madulas nga lang sa pakiramdam ang may baking soda sa balat.  Make sure din na well hydrated ang ating mga anak at cotton ang kanilang damit.  Madalas ko din syang palitan ng damit para na rin mapreskuhan sya at di na magtagal pa ang pawis sa katawan nya.


Sa labahin naman nilalagyan ko ng suka ang huling banlaw.  Kasi may anti-bacterial property ang suka.  Hindi naman nangangamoy suka ang mga damit bagkos ay amoy fresh pa eto.

 

Hindi ko po sya pinagamit ng roll-on or ano mang deodorant.  Masyado pa kasi syang bata para dito.  Dun muna kami sa all natural approach.


Kahit na maliit pa ang anak ko ay tinuturuan ko sya ng good hygiene para na rin eto sa pagprepare sa kanyang pagdadalaga.


Sana may natutunan kayo mga sunshine.


Kayo po ano ang ginawa nyo para mawala ang BO ng inyong mga anak or ng inyong katawan?  Let's share po.


#tipidtips

#tawas

#notobodyodor


~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~ 

 ***Not a paid post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

🧾 FB Page

 πŸŽ¬ Youtube  

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Monday, June 21, 2021

Honest bee - my go to online grocery app| Product Review

 

 Hello Sunshine,

                                        Preview

 

Isa ako sa mga fan ng online shopping.  Lalo na pag sa grocery.  Kaya napakahandy lang sa akin ng pag add to cart.  Ang gamit ko pa noon ay ang Honestbee app at namimili ako sa Robinson Supermarket.    Naalala nyo pa ba eto? Sila ang nagpa uso ng pagdedeliver ng grocery sa mga bahay bahay.  Napakalaking tulong neto sa akin lalo na noong nagtatrabaho pa ako at wala ako halos oras magpunta ng grocery.  Kahit nga sa Southstar noon pwede ako umorder gamit ang Honestbee.  mayroon silang COD meron namang online payment.  At pag may hindi available sa cart mo tatawagan ka nila para tanungin ka kung anong alternative.   Hindi lang yun, kahit umuulan ay nagdedeliver din sila.  Kaya naman nakakatuwa.  At yun mga pinamili ko ay kumpleto at maayos na nakasalansan.  Maari mo din tawagan yun online shopper na naka assigned or yun kumuha ng orders mo kung may ipapadagdag ka or para magfollow up.  Then pwede ka din magpaschedule kelan ideliver at anong oras.  Total convenience talaga sa consumer part.


Mayroon din silang referral link noon na kung may mag sign up na mga kaibigan at kakilala ay mabibigyan ka nila ng rebate.  Pero ngayon ang dami ng mga app na nag ooffer ng online grocery like shoppee, grab at kung ano ano lang.  Nakakamiss lang ang Honestbee.  I am one of the satisfied consumer.

 

Hindi ko lang alam ano nangyari at wala na ang Honestbee ngayon.  Madali pa naman gamitin kahit yun website nila. napaka user friendly.

 

Mga sunshine ano ang gamit nyong online grocery app? 


Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️



 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

 ***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube 

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates