Hello sunshine.
Nung walang humpay ang ulan nagkalagnatπ€
ang anak ko. Nakakatakot talaga lalo na at mataas ang banta ng Covid 19. Di ko na sya dinala sa Pedia kasi nga mahirap na at baka makasagap pa doon ng sakit. Una nagkasinat sya at nag tepid sponge bath na ako. Nung madaling araw na dun na tumaas ang temperature nya nag 38.7 na sya kaya pinainom ko na sya ng Tempra (Paracetamol) Tapos pinainom ko sya madaming water at pinunasan ko ng malamig na bimpo. Iyon ang pinaka first na dapat gawin pag naglagnat ang bata. Punasan ng basang basahan at tuyuin. Saka suotan ng preskong damit para makalabas ang init ng katawan nya. Dapat mag 37.8 degrees celcius muna ang temperature bago magpainom ng Paracetamol. Same applies sa adult. Di talaga advisable uminom ng Paracetamol ng walang lagnat or pain ang bata or adult. Tandaan gamot eto at hindi dapat basta basta umiinom o nagpapainom ng gamot.
Kinaumagahan nagpunta ako ng drugstore para bumili ng Vivalyte, Tempra (Paracetamol) dahil ubos na ang aming stock at kumuha na din ako ng Tempra Cool Touch for kids dahil mas maigi na iyon kesa sa basang basahan na ilalagay ko sa noo nya. Dahil sa likot ng anak ko eh nadidislodge lang ang bimpo.
pagka uwi ko pinunasan ko ulit sya ng malamig na bimpo at tinuyo. Pinainom ng gamot at vivalyte sabay lagay ng Tempra Cool Touch for kids sa noo nya.
Product Review: Nagstick naman sya agad pero wala pang 30minutes nadetach na sya ng kusa. Di ko alam kung ganun ba talaga kasi yun ibang cooling pad na gamit ko noon ay ako mismo nagtatanggal at makapit sa balat pero eto yun pad mismo ang natanggal. Kaya naglagay na naman ako ng panibago. So yun lang naman ang feedback ko madali syang matanggal pero it serve its purpose naman.
Nakagamit na ba kayo neto? Kumusta naman?
Price: P50.00
Rating: 3 1.2 stars
Where to buy: Over the counter sa Any drugstore.
~~~~~~~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~~~~~~
***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions.
Follow me and I will follow you π π πΈ IG - https://www.instagram.com/wengthoughts/ π§Ύ FB Page - https://www.facebook.com/wengthoughts π¬ Youtube - https://www.youtube.com/channel/UChujhZ7xFbazG16w9abP0GA?sub_confirmation=1 π§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com