Hello mga sunshine.
Magandang araw.
Ako ay naloka nung sabihan ako ng anak ko na mabaho daw ang kili kili nya. Opo may kili kili powers sya. Nakakahiya manπ ipaalam sa buong mundo ay totoo po at naconfirm ko sa pamamagitan ng pag-amoy ko ng kili kili nya at maasim-asim ngaπ’. (pasintabi sa mga kumakain jan) Dinaig pa ang may pasabog ng di naligo ng ilang arawπ£. hehe.
Well, nawindang ako kasi nasa loob lang naman kami ng bahay at wala sya masyado activity. At ang masaklap pa neto ay kakaligo nya lang halos wala pang 1 hour nun. Ang mas nakakaloka dun ay sya po ay 9 years old lamang. Tama po ang inyong nababasa. 9 years old lamang sya at may maasimπ na syang amoy sa kili kili. Hindi ko po mawari kung san nya iyon nakuha eh nasa loob lang naman kami ng bahay at naka aircon pa.
Sa pagkakaalam ko kasi sa mga teenager lang eto at mga preteen kadalasan. Kaya nga to the rescue ang mga Inay natin mga sunshine na sa ganyang edad ay meron na silang sariling roll on.
Pero ako mga sunshine hindi ako prepared. Pero buti na lang at mayroon kaming powdered Tawas. Pinaliguan ko sya agad at tinuruan ko paano hugasan ng maigi ang kanyang kili kili at private parts. After maligo tinuyo ko sya ng husto saka ko nilagyan ng durog na tawas ang kili kili nya. Araw araw namin tong ginagawa. Ayoko kasi pagtawanan sya ng mga pinsan nya at asarin. Kawawa naman eh pwedeng pwede naman natin solusyunan ang problema di ba mga sunshine?
Pag naliligo din sya ay nilalagyan ko ng konting baking soda ang pambanlaw nya medyo madulas nga lang sa pakiramdam ang may baking soda sa balat. Make sure din na well hydrated ang ating mga anak at cotton ang kanilang damit. Madalas ko din syang palitan ng damit para na rin mapreskuhan sya at di na magtagal pa ang pawis sa katawan nya.
Sa labahin naman nilalagyan ko ng suka ang huling banlaw. Kasi may anti-bacterial property ang suka. Hindi naman nangangamoy suka ang mga damit bagkos ay amoy fresh pa eto.
Hindi ko po sya pinagamit ng roll-on or ano mang deodorant. Masyado pa kasi syang bata para dito. Dun muna kami sa all natural approach.
Kahit na maliit pa ang anak ko ay tinuturuan ko sya ng good hygiene para na rin eto sa pagprepare sa kanyang pagdadalaga.
Sana may natutunan kayo mga sunshine.
Kayo po ano ang ginawa nyo para mawala ang BO ng inyong mga anak or ng inyong katawan? Let's share po.
#tipidtips
#tawas
#notobodyodor
~~~~~~~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~ π ~~~~~~~~
***Not a paid post.
Follow me and I will follow you π π
πΈ IG
π§Ύ FB Page
π¬ Youtube
π§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com
0 comments:
Post a Comment