Hello mga sunshine.
Kumusta naman ang mga araw nyo jan?
Share ko lang last Tuesday, we had a close call to a hospital admission due to severe vomiting. My daughter eventually got a stomach flu and as we all know it is viral.
Grabe ang sinusuka ng anak ko. Naka 8 beses na sya ng kakasuka kaya kahit gabi na ng isinugod ko sya sa Emergency Room for a check up ayoko madehydrate sya. Sabi dapat 5 na beses pa lang ng pagsusuka eh isugod na sa hospital pero kasi humihinto naman pero nung nakikita kong dilaw na ang sinusuka nya at puro acid na dali dali na kaming nagbihis para magpakonsulta nagcomplain na din sya ng masakit ang kanyang tyan at lahat ng kinakain nya or iniinom nya ay isinusuka nya na.. and buti na lang mababait ang staff at Resident Doctor ng Mission Hospital sa Pasig nilapatan nila agad ng lunas ang anak ko. Nag order agad si doc ng lab test kung may infection ba sya at nagbigay agad ng paunang lunas like hydration via IV at gamot para matigil ang pagsusuka nya. Inobserbahan din sya kung magtutuloy tuloy pa ang suka. Awa naman ng Diyos ay huminto ang pagsusuka nya. Niresetahan kami para makauwi ng Vometa at Oresol. Pero ayaw ng anak ko ang lasa ng Oresol. Kaya naghanap ako ng alternative.
Sabi ng nababasa ko sa mga fb groups mas preferred ng mga bata ang lasa ng Vivalyte kaya ayon ang lage kung binibili. Eto ang panghydrate ko sa kanya. Di kasi kaya ng tubig tubig lang lalo na kung madami ang sinusuka. Dapat ay immediate hydration ang kailangan para mareplenish ang loss of fluids and electrolytes ang katawan. Sa totoo lang nakakatakot and dehydration lalo na sa mga maliliit na bata. Eto ay malimit na nakakamatay. Kung ang mga anak nyo ay nakakaranas ng pagsusuka at pagtatae ihydrate nyo agad gamit ang Vivalyte para mas madali sila mapainom at dalhin sa inyong doctor para malunasan agad ang kanyang karamdaman.
Ano ang signs and symptoms ng Stomach flu sa mga bata?
1. Nausea and vomiting
2. Abdominal Cramps
3. Loss of appetite
Ano ang signs ng dehydration?
1. Dry or sticky mouth
2. Less urine
3. Dry skin
4. Sunken eyes
5. Irritable
6. Drowsy/sleepy
Signs and Symptoms ng dehydration sa baby:
1. Sunken fontanel
2.No tears when crying
Mga sunshine ugaliin magstock ng Vivalyte sa inyong tahanan minsan kasi ay walang stock minsan naman ay buy1 take 1 eto. Habang nagpapagaling ang anak ko pinapainom ko pa din sya neto para mabawi nya ang mga nawalang fluids and electrolytes nya. Bigla din syang nangayayat kaya mayat maya ang pakain ko sa kanya. Small frequent feeding muna kami ngayon. Ayaw ko kasi mabigla ang tyan nya at baka bigla na naman syang atakihin ng acid. Nakakailang atake na din nga ng stomach flu ngayong taon na eto.
May mairecommend ba kayong especialista dito? Pakilagay naman sa comment section mga sunshine. Salamat.
Item: Vivalyte plus
Price: Php: 50.00
Store: Southstar
Tags:
#hydration
#vivalyte
#fluidandelectrolytes
~~~~~~~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~ ๐ ~~~~~~~~
***This is not a paid post.
Follow me and I will follow you ๐ ๐
๐ธ IG
๐งพ FB Page
๐ฌ Youtube
๐ง Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com