Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click πŸ–± through some of the affiliate links πŸ”—. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.πŸ₯‚ πŸ₯‚ πŸ₯‚

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Sunday, July 18, 2021

Vivalyte : Answer to dehydration | Product Review

                                                          Open photo

 

Hello mga sunshine.

 

Kumusta naman ang mga araw nyo jan?

 

Share ko lang last Tuesday, we had a close call to a hospital admission due to severe vomiting.  My daughter eventually got a stomach flu and as we all know it is viral.  

 

Grabe ang sinusuka ng anak ko. Naka 8 beses na sya ng kakasuka kaya kahit gabi na ng isinugod ko sya sa Emergency Room for a check up ayoko madehydrate sya.  Sabi dapat 5 na beses pa lang ng pagsusuka eh isugod na sa hospital pero kasi humihinto naman pero nung nakikita kong dilaw na ang sinusuka nya at puro acid na dali dali na kaming nagbihis para magpakonsulta nagcomplain na din sya ng masakit ang kanyang tyan at lahat ng kinakain nya or iniinom nya ay isinusuka nya na.. and buti na lang mababait ang staff at Resident Doctor ng Mission Hospital sa Pasig  nilapatan nila agad ng lunas ang anak ko.  Nag order agad si doc ng lab test kung may infection ba sya at nagbigay agad ng paunang lunas like hydration via IV at gamot para matigil ang pagsusuka nya.  Inobserbahan din sya kung magtutuloy tuloy pa ang suka.  Awa naman ng Diyos ay huminto ang pagsusuka nya.  Niresetahan kami para makauwi ng Vometa at Oresol.  Pero ayaw ng anak ko ang lasa ng Oresol. Kaya naghanap ako ng alternative.


Sabi ng nababasa ko sa mga fb groups mas preferred ng mga bata ang lasa ng Vivalyte kaya ayon ang lage kung binibili.  Eto ang panghydrate ko sa kanya.  Di kasi kaya ng tubig tubig lang lalo na kung madami ang sinusuka.  Dapat ay immediate hydration ang kailangan para mareplenish ang loss of fluids and electrolytes ang katawan.  Sa totoo lang nakakatakot and dehydration lalo na sa mga maliliit na bata. Eto ay malimit na nakakamatay.  Kung ang mga anak nyo ay nakakaranas ng pagsusuka at pagtatae ihydrate nyo agad gamit ang Vivalyte para mas madali sila mapainom at dalhin sa inyong doctor para malunasan agad ang kanyang karamdaman.


Ano ang signs and symptoms ng Stomach flu sa mga bata?

1. Nausea and vomiting

2. Abdominal Cramps

3. Loss of appetite

 

Ano ang signs ng dehydration?

1. Dry or sticky mouth

2. Less urine

3. Dry skin

4. Sunken eyes

5. Irritable

6. Drowsy/sleepy

 

Signs and Symptoms ng dehydration sa baby:

1. Sunken fontanel

2.No tears when crying

 

Mga sunshine ugaliin magstock ng Vivalyte sa inyong tahanan minsan kasi ay walang stock minsan naman ay buy1 take 1 eto. Habang nagpapagaling ang anak ko pinapainom ko pa din sya neto para mabawi nya ang mga nawalang fluids and electrolytes nya.  Bigla din syang nangayayat kaya mayat maya ang pakain ko sa kanya.  Small frequent feeding muna kami ngayon.  Ayaw ko kasi mabigla ang tyan nya at baka bigla na naman syang atakihin ng acid.  Nakakailang atake na din nga ng stomach flu ngayong taon na eto.  

May mairecommend ba kayong especialista dito?  Pakilagay naman sa comment section mga sunshine.  Salamat.

Item: Vivalyte plus

Price: Php: 50.00 

Store: Southstar

 

Tags:

#hydration

#vivalyte

#fluidandelectrolytes

 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

 ***This is not a paid post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘

 πŸ“Έ IG 

 πŸ§Ύ FB Page

  🎬 Youtube 

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 8, 2021

Red Ribbon Cake Pack

 




 I recently purchased a Red Ribbon Cake Pack it is worth P120.00 with 5 different flavor slices and it is a hit to my daughter.  For about P120 she get to try the Ube, Marble, Chocolate, Double Dutch and chiffon.  Laking tipid na din eto mga Inay pang meryenda at treat pag sinusunod nila mga utos natin.  Atsaka napakalambot ng cake at di sya sobrang tamis.  Di din eto nakakaumay.  Buti na lang meron silang cake pack mas matipid kesa bumili ng whole cake. Sulit na din sya kahit paano napasaya ko ang aking munting prinsesa.  Bilin nya kasi sa akin na pag umalis ako ay bilhan ko sya ng cake at ayun nga tuwang tuwa syang makita ang pasalubong ko.  Di na inabot kinabukasan kinain nya na lahat., ang pinakagusto nyang flavor ay ang Chocolate.  Di talaga nagsasawa ang mga bata sa chocolate cakeπŸŽ‚ .


Rating: 5 Stars ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Price: P120 super afford for 5 different flavors na.


***. Follow me and I will follow you 😍 😘

πŸ“Έ  IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube

Monday, July 5, 2021

Erceflora Probi Bear | Product Review

Hello Sushine.

 

Fan talaga ako ng healthy living.  Mahilig ako sa gulay at prutas pero alam naman natin na hindi lahat nakukuha sa ating pagkain kaya naghanap ako ng supplement para sa aking anak.  Alam nyo naman kung gaano ka picky eater yun at napakapayat.  

Buti na lang may nakaisip na manufacturer gumawa netong Probi Bear.


Ang Erceflora probi Bear ay 2 in 1 probiotic.  Mayron etong Lactobacillus at Bifidubacterium na tumutulong sa ating digestion.  Magandang supplement eto para maiwasan ang stomach flu.  Ang maganda dito eto ay chewable shaped bear na tyak na magugustuhan ng ating mga tsikiting.  Eto ay recommended sa mga batang 3 years old pataas at ang kanyang flavor ay Vanilla.


Tyak na kagigiliwan eto ng inyong mga anak,

 

Price: P140.00

Store: Southstar

 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

***Not a paid post.

*** Follow me and I will follow you 😍 😘

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube

 πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 1, 2021

US Tax Information on Adsense for Filipino Vlogger/Blogger

 Hello everybody.

 




Kumusta po kayo pasensya na at matagal naka hybernate ang blog na eto.  Since I am back I am going to try  my best to keep everybody updated on some hustle and bustle of my life and every now and then I am going to share some helpful videos and information to everyone.

 

So back to my topic I received an e-mail from my Google Adsense account asking me  about my US TAX Information.  Since I am not in the US and I am a full blooded Filipino I searched around and a fellow Youtuber gave me the perfect tutorial and I filled up the form as easy as a breeze.

 

Mahirap ng magkamali kasi pera na ang usapan mga sizt.  Hindi biro ang tax but then again responsibilidad natin na magbayad ng tax since it is how our respective countries generate income.  Para po makatulong tayo sa ekonomiya at mapagaan ng kaunti ang buhay buhay ng mga tao kung san man tayo nagbabayad ng tax di po ba?


Here is the link RODTv.  

Thank me later by following me on my youtube, IG and FB page.



 

***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

IG

FB Page

 Youtube

Tuesday, June 29, 2021

Anong solusyon sa Body odor sa 9 year old? | Big Problem

 

Hello mga sunshine.  

 

Magandang araw.

 

Ako ay naloka nung sabihan ako ng anak ko na mabaho daw ang kili kili nya.  Opo may kili kili powers sya.  Nakakahiya manπŸ˜“ ipaalam sa buong mundo ay totoo po at naconfirm ko sa pamamagitan ng pag-amoy ko ng kili kili nya at maasim-asim nga😒. (pasintabi sa mga kumakain jan) Dinaig pa ang may pasabog ng di naligo ng ilang arawπŸ’£. hehe. 

 

Well, nawindang ako kasi nasa loob lang naman kami ng bahay at wala sya masyado activity.  At ang masaklap pa neto ay kakaligo nya lang halos wala pang 1 hour nun.  Ang mas nakakaloka dun ay sya po ay 9 years old lamang.  Tama po ang inyong nababasa. 9 years old lamang sya at may maasimπŸ‘ƒ na syang amoy sa kili kili. Hindi ko po mawari kung san nya iyon nakuha eh nasa loob lang naman kami ng bahay at naka aircon pa. 

 

Sa pagkakaalam ko kasi sa mga teenager lang eto at mga preteen kadalasan.  Kaya nga to the rescue ang mga Inay natin mga sunshine na sa ganyang edad ay meron na silang sariling roll on. 


Pero ako mga sunshine hindi ako prepared.  Pero buti na lang at mayroon kaming powdered Tawas. Pinaliguan ko sya agad at tinuruan ko paano hugasan ng maigi ang kanyang kili kili at private parts.  After maligo tinuyo ko sya ng husto saka ko nilagyan ng durog na tawas ang kili kili nya.  Araw araw namin tong ginagawa.  Ayoko kasi pagtawanan sya ng mga pinsan nya at asarin.  Kawawa naman eh pwedeng pwede naman natin solusyunan ang problema di ba mga sunshine?


Pag naliligo din sya ay nilalagyan ko ng konting baking soda ang pambanlaw nya medyo madulas nga lang sa pakiramdam ang may baking soda sa balat.  Make sure din na well hydrated ang ating mga anak at cotton ang kanilang damit.  Madalas ko din syang palitan ng damit para na rin mapreskuhan sya at di na magtagal pa ang pawis sa katawan nya.


Sa labahin naman nilalagyan ko ng suka ang huling banlaw.  Kasi may anti-bacterial property ang suka.  Hindi naman nangangamoy suka ang mga damit bagkos ay amoy fresh pa eto.

 

Hindi ko po sya pinagamit ng roll-on or ano mang deodorant.  Masyado pa kasi syang bata para dito.  Dun muna kami sa all natural approach.


Kahit na maliit pa ang anak ko ay tinuturuan ko sya ng good hygiene para na rin eto sa pagprepare sa kanyang pagdadalaga.


Sana may natutunan kayo mga sunshine.


Kayo po ano ang ginawa nyo para mawala ang BO ng inyong mga anak or ng inyong katawan?  Let's share po.


#tipidtips

#tawas

#notobodyodor


~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~ 

 ***Not a paid post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

🧾 FB Page

 πŸŽ¬ Youtube  

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Monday, June 21, 2021

Honest bee - my go to online grocery app| Product Review

 

 Hello Sunshine,

                                        Preview

 

Isa ako sa mga fan ng online shopping.  Lalo na pag sa grocery.  Kaya napakahandy lang sa akin ng pag add to cart.  Ang gamit ko pa noon ay ang Honestbee app at namimili ako sa Robinson Supermarket.    Naalala nyo pa ba eto? Sila ang nagpa uso ng pagdedeliver ng grocery sa mga bahay bahay.  Napakalaking tulong neto sa akin lalo na noong nagtatrabaho pa ako at wala ako halos oras magpunta ng grocery.  Kahit nga sa Southstar noon pwede ako umorder gamit ang Honestbee.  mayroon silang COD meron namang online payment.  At pag may hindi available sa cart mo tatawagan ka nila para tanungin ka kung anong alternative.   Hindi lang yun, kahit umuulan ay nagdedeliver din sila.  Kaya naman nakakatuwa.  At yun mga pinamili ko ay kumpleto at maayos na nakasalansan.  Maari mo din tawagan yun online shopper na naka assigned or yun kumuha ng orders mo kung may ipapadagdag ka or para magfollow up.  Then pwede ka din magpaschedule kelan ideliver at anong oras.  Total convenience talaga sa consumer part.


Mayroon din silang referral link noon na kung may mag sign up na mga kaibigan at kakilala ay mabibigyan ka nila ng rebate.  Pero ngayon ang dami ng mga app na nag ooffer ng online grocery like shoppee, grab at kung ano ano lang.  Nakakamiss lang ang Honestbee.  I am one of the satisfied consumer.

 

Hindi ko lang alam ano nangyari at wala na ang Honestbee ngayon.  Madali pa naman gamitin kahit yun website nila. napaka user friendly.

 

Mga sunshine ano ang gamit nyong online grocery app? 


Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️



 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

 ***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube 

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates