Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click 🖱 through some of the affiliate links 🔗. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.🥂 🥂 🥂

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Monday, February 25, 2019

Momo Challenge Scare - Parents Beware

Hello mga Inay.


Recently, pumutok ang balita regarding sa Momo Challenge.  Ang akala ko isa etong typical challenge lang.  Like ice bucket challenge or 10 years challenge.  Yun pala mas malala pa eto.  Nung kumalat sa facebook ang awareness campaign regarding dito.  Dun ko naintindihan kung anong age group at sino sino ang target nya.  Eto ay ang mga kabataan na walang kamalay malay sa aksidente or trahedya na kahihinatnan nyan.  Nanindig ang balahibo ko kasi ang challenge na eto ay fatal.  Yes mga Inay nakakamatay.  Unti unti pa.  Nilalason ng challenge na eto ang utak ng mga bata.  As an adults akala natin typical na nanood or nagsecelphone lang ang ating mga anak.  Yun pala may mga sira ulong tao na gumawa ng app pra ichallenge ng mga bata, para sundin ng mga bata.  At master ang tawag sa kanila ng mga bata.  Masama pa neto bawal sabihin ng mga bata ang ginagawa nila sa magulang nila dahil may pagbabanta na nagaganap.


Marami na rin naiulat na napahamak at worse nagpakamatay na mga kabataan dahil dito.  Worldwide pa mga Inay kaya kung sino man ang nag imbento neto walang puso at walang paki alam.


Kaya mga Inay maging aware tayo lalo na sa panahon ngayon na gadget na lang halos ang hawak ng mga bata.


Kumakalat din ngayon sa Youtube ang mga kahindik hindik na video na nakakalusot sa youtube kids.  Eto'y mga cartoons na mga bastos like nakahubad, nakikita ang suso at worse yun kay Peppa Pig na pinutulan sya ng ulo ni daddy pig.  Meron din kami na experience na nagmumura sa youtube at mga bastos na salita kaya agad agad nakabakod na kami pag nagyoutube na ang anak namin.  

Lahat ng eto may psychological effect sa bata.

Kaya paalala konting ingat tayo sa ating mga anak.



 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 

0 comments:

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates