Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click 🖱 through some of the affiliate links 🔗. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.🥂 🥂 🥂

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Thursday, February 21, 2019

Financial Literacy a must subject in school

 Hello mga Inay.

Naisip ko lang dapat imbes na kung ano ano ang idagdag at ibawas na subject sa eskwelahan eh ituro sa bawat estudyanteng Pilipino ang pagiging Financial Literate ng sa gayon ay matutunan nila kung paano mamuhay sa totoong mundo.

Bakit?? Para mag-iba ang mindset nila.  Lage lang kasi sinasabi sa atin mag-aral kayong mabuti at pag nakatapos kayo ng pag aaral ay makakahanap kayo ng maayos na trabaho.  Pero sa totoo lang marami sa ating mamamayang Pilipino ang nakatapos ng pag-aaral pero hindi naman maganda ang swelo.  Oo maayos ang trabaho pero ang sweldo.  Kagaya ko isa akong Nurse na nagtratrabaho sa isang pribadong hospital dito sa Maynila.  Maganda ang trabaho?? Oo naman.  Maganda ba ang sweldo?? Ahem..  Quiet na lang.

Isa lang din ako sa libo libong empleyado na tumatanggap ng minimum wage.  Akala nyo siguro porket Nurse, may lisensya ay mataas na ang sinasahod ko?  Naku po.  Isa pong pagkakamali yan.  Mas malaki pa or kapantay lang ng sahod namin ang saleslady at service crew.  Di naman sila nagtake ng board exam at iba sa kanila di nagtapos ng 4-5 taon sa kolehiyo tama po ba?  Di ko po sila minamaliit, yun sweldo lamang po ang maliit.

Ngayon balik tayo sa topic.  Mostly sa atin ay may tinatanggap lamang na minimum wage sa isang buwan at sa totoo lang hindi eto sasapat sa gastusin natin.  Kaya nga sabi ko sana may Financial Literacy na subject nung nag aaral ako para alam ko kung ano pa ang mga pwede kong pagkakitaan maliban sa trabaho ko.

Sa subject na eto pwedeng ituro sa atin ang budgeting, saving tips, extra income tips at pag set sa utak natin na huwag tyo umasa sa minimum lamang.

Medyo matanda na ako bago ko to natutunan.  Pero huli man daw at magaling eh makakahabol din.  Makakaraos din.  At matutupad ko din ang goal ko.

 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 
 
 

0 comments:

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates