Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click πŸ–± through some of the affiliate links πŸ”—. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.πŸ₯‚ πŸ₯‚ πŸ₯‚

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Friday, July 30, 2021

Tempra Cool Touch for Kids | Product Review

 

Hello sunshine.

 


 

 

Nung walang humpay ang ulan nagkalagnatπŸ€’ ang anak ko. Nakakatakot talaga lalo na at mataas ang banta ng Covid 19.  Di ko na sya dinala sa Pedia kasi nga mahirap na at baka makasagap pa doon ng sakit.  Una nagkasinat sya at nag tepid sponge bath na ako.  Nung madaling araw na dun na tumaas ang temperature nya nag 38.7 na sya kaya pinainom ko na sya ng Tempra (Paracetamol)  Tapos pinainom ko sya madaming water at pinunasan ko ng malamig na bimpo.  Iyon ang pinaka first na dapat gawin pag naglagnat ang bata.  Punasan ng basang basahan at tuyuin.  Saka suotan ng preskong damit para makalabas ang init ng katawan nya.  Dapat mag 37.8 degrees celcius muna ang temperature bago magpainom ng Paracetamol.  Same applies sa adult.  Di talaga advisable uminom ng Paracetamol ng walang lagnat or pain ang bata or adult.  Tandaan gamot eto at hindi dapat basta basta umiinom o nagpapainom ng gamot.

 

Kinaumagahan nagpunta ako ng drugstore para bumili ng Vivalyte, Tempra (Paracetamol) dahil ubos na ang aming stock at kumuha na din ako ng Tempra Cool Touch for kids dahil mas maigi na iyon kesa sa basang basahan na ilalagay ko sa noo nya. Dahil sa likot ng anak ko eh nadidislodge lang ang bimpo.


pagka uwi ko pinunasan ko ulit sya ng malamig na bimpo at tinuyo. Pinainom ng gamot at vivalyte sabay lagay ng Tempra Cool Touch for kids sa noo nya.  


Product Review: Nagstick naman sya agad pero wala pang 30minutes nadetach na sya ng kusa.  Di ko alam kung ganun ba talaga kasi yun ibang cooling pad na gamit ko noon ay ako mismo nagtatanggal at makapit sa balat pero eto yun pad mismo ang natanggal.  Kaya naglagay na naman ako ng panibago.  So yun lang naman ang feedback ko madali syang matanggal pero it serve its purpose naman. 


Nakagamit na ba kayo neto?  Kumusta naman?



Price: P50.00

Rating: 3 1.2 stars

Where to buy:  Over the counter sa Any drugstore.


~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~ 

 ***Not Paid Post. Reviews are my own personal experience and opinions. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 πŸ“Έ IG - https://www.instagram.com/wengthoughts/ 🧾 FB Page - https://www.facebook.com/wengthoughts 🎬 Youtube - https://www.youtube.com/channel/UChujhZ7xFbazG16w9abP0GA?sub_confirmation=1 πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 22, 2021

Ginisang Monggo | Tipid Ulam Ideas

 

 Hello mga sunshine.


Ngayong wala akong trabaho sobrang hirap ako sa pagbabudget.  Lalo na at napakamahal ang bilihin.  Mapagulay, isda at lalong lalo na ang karne.  Di ko na alam kung paanong budget ang gagawin ko at kahit anong tipid eh di pa rin talaga sasapat. Dagdagan pa ng maulan ulan na panahon.  Hay naku.  Napapakamot na lang ako ng ulo kung ano ang ihahain ko sa twina.

 

Buti na lang at hindi mahirap pakainin ng gulay ang aking tsikiting at kahit paano ay nakakamenos, masustansya pa. 


Eto mga sunshine ang recipe ng aking Ginisang Monggo

1cup monggo

1 hiwa ng karne ng baboyπŸ₯© (eto nagpamahal) or dried hibi🍀 para mas mura

2 pisngi ng kalabasa

1 medium ampalaya 

isang bungkos ng alugbati

ofkors wag kalimutan ang sibuyas, bawang, paminta, asin at patis.  Pwede gumamit ng magic sarap o knorr cubes depende sa inyong kagustuhan.


Total expenses ay P123.  Good for 2 ulaman na yan.  Medyo malakas din kasi kami mag-ulam.   Kayo anong tipid ulam nyo?  Share naman kayo.


#tipidulam

#ulamunder150

#tipidtips


This is not a paid post.

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

 

 

 ***Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

🎬 Youtube

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Yakult Probiotic Drink | Product Review

 

Hello Sunshine.

 

Gustong gusto ko talaga ang lasa ng Yakult Drink lalo na after ko kumain.  Napaka satisfying sa palate at refreshing sya for me.  At di lang yun may probiotic content pa sya na nakakatulong saa ating gastro intestinal tract.  Alam nyo ba ang probiotic ay good organism o bacteria na nagpapanatili ng kaayusan sa ating bituka at healthy eto sa ating katawan.  Nilalabanan neto ang bad bacteria sa ating katawan kaya nakakatulong eto sa ating over all health.


Kaya napakalaki ng benepisyo neto.  Buti na lang ang Yakult ay may probiotics at na aafford natin sya sa murang halaga.  9pesos lang sya per bottle and you will get what you paid for.  Kesa uminom kayo ng softdrinks at juices na mataas ang sugar eh mas mabuti na eto.  Oh di ba?


Nakakatulong ang probiotic sa nutrient absorption, sa ating immune system at of course sa digestion.  Kaya nga ang logo lage ng Yakult drink ay OK KA BA TYAN???  


Hindi ko lang alam kung bakit di sila naglalabas ng medyo malaking bottle.  Nung nagpunta ako sa Macau meron silang malaking Yakult bottle sa mga grocery.  Sana lang maglabas sila ng medyo malaki ano.  Kasi di lang ako nag may gusto ng Yakult pati buong pamilya ko.  Of course maganda din sana ang Yoghurt as a source of probiotic pero may kamahalan eto nag kaunti.  Medyo mabigat sa bulsa ng ordinaryong Pilipino kagaya ko.  Iniisip ko nga pag bumili ako ng Yoghurt para na syang luxury sa panahon ngayon na nagmamahalan ang lahat at dapat unahin ang basic needs.


Kaya bawal tayong magkasakit.  πŸ’ͺ  Kailangan panatilihin natin na malusog ang ating pamilya. 

 

 

Price:  P45.00 per 5pieces

Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️

Store: Southstar or any store in the Philippines


~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

***Not a paid post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube

 πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Tuesday, July 20, 2021

Pedia Sure Growing up Milk | Product Review

                                                               Open photo

 

 Hello Sunshine.


As you all know my daughter Luna have a weight issue.  She has poor appetite and she is such a picky eater.  I am having a hard time enforcing her to eat because she is already 9 years old and she has her own will now and definitely will not eat if she doesn't feel like eating.  She choose what to eat and mostly all of them have low nutritional value like hotdogs and ham.  

 

The fruits and vegetables, she is not into that.  So I have to think of some ways to hide them in my menu and once she tasted the vegetable part she will not eat it.  As for the fruit she only loves eating banana's and ripe mangoes.  Sometimes she is trying the watermelon and melon but she will just took a bite. We cannot give her acidic fruits because she has a hyper acidity issue and we've been battling for it for quite some time.

 

She also doesn't have the appetite for meats.  What I am doing is chopping them thinly so she will eat them. 

 

Fried fish is one of her favorites, once or twice a week I am cooking fried fish because she ate a lot when fish is our viand.


One problem also that I am facing is that she is such a slow eater.  It takes time for her to finish a meal. Oh kids. 

 

As a mom, it is really crucial for me to give her a balance diet because 1.  The budget.  Having a limited budget will only gave so little for us.  As much as possible I am trying to give her a decent and nutritious meal that our family deserves 2, The time.  When there is no time to prepare food we just buy outside.  I know what you are thinking but when I am at work there is hardly enough time to prepare for their food the next day.

 

Nakakahiya man pero ang anak ko ay maliit sa edad nya, payat, mapili sa pagkain at may kahinaan ang resitensya.  Kaya naghanap ako ng supplement to address all these need.

 

Good thing there are milk products that is offering full nutrition.  And now we are starting our Pediasure Journey.  Kakastart pa lang namin neto at umaasa ako ma achieve nya ang optimum potential when it comes to growth, appetite, gaining weight at of course ang paglakas ng resitensya.  Alam naman natin sa panahon ngayon kailangan maging matibay ang katawan natin lalong lalo na ng ating mga anak.


Mayron akong Pediasure Coupon. Pakiclick lang ang link sa may gusto. Wala po kayong babayadan dito.  Bagkus ay bibigyan pa kayo ng PEdiasure ng discount card at free trial pack milk.  Oh di ba?

 

I am not relying on Pediasure alone, of course I am teaching my daughter the importance of healthy and nutritious food that she should take because she needs all the nutrition she can get as she grows up.  Ayoko maging lampayatot sya sa kanyang paglaki.


What about you mga sunshine?  How do you deal with a lampayatot child?

 

Price:   P561.25

Store: Southstar Drug / Any drugstore or supermarket nationwide

 

 ~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

***Not a sponsored post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.  

 

Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister kayo sa balikpinas  Huwag po kayong mag-alala ang registration ay free.  Para po eto s lahat ng mga kababayan natin na OFW na magbabakasyon o mag for good na dito sa ating bayan.

Kung kayo ay nakaregister na huwag po kalimutan magscreenshot kasi ipapakita nyo po eto bago kayo makasakay sa eroplano.  Para rin po malaman ng ating ahensya ang petsa ng ating pag uwi at makakuha po kayo ng slot sa hotel at swabbing.  Lahat pong eto ay libre.

For a detailed video vlog please refer to this video.



Nawa po ay natulungan ko kayo.  Kung meron po kayong mga katanungan open po ang comment section at kayo po ay sasagutin ko kaagad pag may available time. 


#balikpinas

#pinoyabroad

#ofwlife


 ~~~~~~~~~ πŸ’— ~ ~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~~~

***. Follow me and I will follow you 😍 😘

 πŸ“Έ IG - https://www.instagram.com/wengthoughts/ 

🧾 FB Page - https://www.facebook.com/wengthoughts 

🎬 Youtube - https://www.youtube.com/channel/UChujhZ7xFbazG16w9abP0GA?sub_confirmation=1 

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Sunday, July 18, 2021

Vivalyte : Answer to dehydration | Product Review

                                                          Open photo

 

Hello mga sunshine.

 

Kumusta naman ang mga araw nyo jan?

 

Share ko lang last Tuesday, we had a close call to a hospital admission due to severe vomiting.  My daughter eventually got a stomach flu and as we all know it is viral.  

 

Grabe ang sinusuka ng anak ko. Naka 8 beses na sya ng kakasuka kaya kahit gabi na ng isinugod ko sya sa Emergency Room for a check up ayoko madehydrate sya.  Sabi dapat 5 na beses pa lang ng pagsusuka eh isugod na sa hospital pero kasi humihinto naman pero nung nakikita kong dilaw na ang sinusuka nya at puro acid na dali dali na kaming nagbihis para magpakonsulta nagcomplain na din sya ng masakit ang kanyang tyan at lahat ng kinakain nya or iniinom nya ay isinusuka nya na.. and buti na lang mababait ang staff at Resident Doctor ng Mission Hospital sa Pasig  nilapatan nila agad ng lunas ang anak ko.  Nag order agad si doc ng lab test kung may infection ba sya at nagbigay agad ng paunang lunas like hydration via IV at gamot para matigil ang pagsusuka nya.  Inobserbahan din sya kung magtutuloy tuloy pa ang suka.  Awa naman ng Diyos ay huminto ang pagsusuka nya.  Niresetahan kami para makauwi ng Vometa at Oresol.  Pero ayaw ng anak ko ang lasa ng Oresol. Kaya naghanap ako ng alternative.


Sabi ng nababasa ko sa mga fb groups mas preferred ng mga bata ang lasa ng Vivalyte kaya ayon ang lage kung binibili.  Eto ang panghydrate ko sa kanya.  Di kasi kaya ng tubig tubig lang lalo na kung madami ang sinusuka.  Dapat ay immediate hydration ang kailangan para mareplenish ang loss of fluids and electrolytes ang katawan.  Sa totoo lang nakakatakot and dehydration lalo na sa mga maliliit na bata. Eto ay malimit na nakakamatay.  Kung ang mga anak nyo ay nakakaranas ng pagsusuka at pagtatae ihydrate nyo agad gamit ang Vivalyte para mas madali sila mapainom at dalhin sa inyong doctor para malunasan agad ang kanyang karamdaman.


Ano ang signs and symptoms ng Stomach flu sa mga bata?

1. Nausea and vomiting

2. Abdominal Cramps

3. Loss of appetite

 

Ano ang signs ng dehydration?

1. Dry or sticky mouth

2. Less urine

3. Dry skin

4. Sunken eyes

5. Irritable

6. Drowsy/sleepy

 

Signs and Symptoms ng dehydration sa baby:

1. Sunken fontanel

2.No tears when crying

 

Mga sunshine ugaliin magstock ng Vivalyte sa inyong tahanan minsan kasi ay walang stock minsan naman ay buy1 take 1 eto. Habang nagpapagaling ang anak ko pinapainom ko pa din sya neto para mabawi nya ang mga nawalang fluids and electrolytes nya.  Bigla din syang nangayayat kaya mayat maya ang pakain ko sa kanya.  Small frequent feeding muna kami ngayon.  Ayaw ko kasi mabigla ang tyan nya at baka bigla na naman syang atakihin ng acid.  Nakakailang atake na din nga ng stomach flu ngayong taon na eto.  

May mairecommend ba kayong especialista dito?  Pakilagay naman sa comment section mga sunshine.  Salamat.

Item: Vivalyte plus

Price: Php: 50.00 

Store: Southstar

 

Tags:

#hydration

#vivalyte

#fluidandelectrolytes

 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

 ***This is not a paid post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘

 πŸ“Έ IG 

 πŸ§Ύ FB Page

  🎬 Youtube 

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 8, 2021

Red Ribbon Cake Pack

 




 I recently purchased a Red Ribbon Cake Pack it is worth P120.00 with 5 different flavor slices and it is a hit to my daughter.  For about P120 she get to try the Ube, Marble, Chocolate, Double Dutch and chiffon.  Laking tipid na din eto mga Inay pang meryenda at treat pag sinusunod nila mga utos natin.  Atsaka napakalambot ng cake at di sya sobrang tamis.  Di din eto nakakaumay.  Buti na lang meron silang cake pack mas matipid kesa bumili ng whole cake. Sulit na din sya kahit paano napasaya ko ang aking munting prinsesa.  Bilin nya kasi sa akin na pag umalis ako ay bilhan ko sya ng cake at ayun nga tuwang tuwa syang makita ang pasalubong ko.  Di na inabot kinabukasan kinain nya na lahat., ang pinakagusto nyang flavor ay ang Chocolate.  Di talaga nagsasawa ang mga bata sa chocolate cakeπŸŽ‚ .


Rating: 5 Stars ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Price: P120 super afford for 5 different flavors na.


***. Follow me and I will follow you 😍 😘

πŸ“Έ  IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube

Monday, July 5, 2021

Erceflora Probi Bear | Product Review

Hello Sushine.

 

Fan talaga ako ng healthy living.  Mahilig ako sa gulay at prutas pero alam naman natin na hindi lahat nakukuha sa ating pagkain kaya naghanap ako ng supplement para sa aking anak.  Alam nyo naman kung gaano ka picky eater yun at napakapayat.  

Buti na lang may nakaisip na manufacturer gumawa netong Probi Bear.


Ang Erceflora probi Bear ay 2 in 1 probiotic.  Mayron etong Lactobacillus at Bifidubacterium na tumutulong sa ating digestion.  Magandang supplement eto para maiwasan ang stomach flu.  Ang maganda dito eto ay chewable shaped bear na tyak na magugustuhan ng ating mga tsikiting.  Eto ay recommended sa mga batang 3 years old pataas at ang kanyang flavor ay Vanilla.


Tyak na kagigiliwan eto ng inyong mga anak,

 

Price: P140.00

Store: Southstar

 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

***Not a paid post.

*** Follow me and I will follow you 😍 😘

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube

 πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Thursday, July 1, 2021

US Tax Information on Adsense for Filipino Vlogger/Blogger

 Hello everybody.

 




Kumusta po kayo pasensya na at matagal naka hybernate ang blog na eto.  Since I am back I am going to try  my best to keep everybody updated on some hustle and bustle of my life and every now and then I am going to share some helpful videos and information to everyone.

 

So back to my topic I received an e-mail from my Google Adsense account asking me  about my US TAX Information.  Since I am not in the US and I am a full blooded Filipino I searched around and a fellow Youtuber gave me the perfect tutorial and I filled up the form as easy as a breeze.

 

Mahirap ng magkamali kasi pera na ang usapan mga sizt.  Hindi biro ang tax but then again responsibilidad natin na magbayad ng tax since it is how our respective countries generate income.  Para po makatulong tayo sa ekonomiya at mapagaan ng kaunti ang buhay buhay ng mga tao kung san man tayo nagbabayad ng tax di po ba?


Here is the link RODTv.  

Thank me later by following me on my youtube, IG and FB page.



 

***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

IG

FB Page

 Youtube

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates