Hello mga Inay.
Kong Hei Fat Choi
Today February 4, 2019 Tuesday is the Year of the PIG. It is Chinese New Year and it is widely celebrated all over the world. Kahit hindi Chinese nakikisabay sa pagsalubong. pati nga nanay ko eh naghanda at nag offer pa ng fruits. Oh di ba? pati tradition nila nakiki uso na din tayo. And I know mga iba dyan bumili pa ng trinkets and charms sa Binondo. Wala namang masama di ba? As long as it makes us happy and makes us hopeful that tomorrow will be a better day.
For today, I will write my wish list muna. Wala pa kasi akong pambili ng mga bagay bagay na eto. Kumbaga I am aiming and saving pa kasi di naman sila needs they are basically wants and as a mother I am dreaming to have this one because I know kahit papano mapapagaan neto ng kaunti ang buhay ko. Lol.
1. Panasonic Eco Navi Bottom Freezer Refrigerator - Napanood ko ang review neto sa youtube at talagang napahanga ako di lang sa laki nya kundi sa power saving capability nya. Ang gamit kasi namin ngayon for 8 years now ay ang Condura personal refrigerator namin. Ok naman sya. Kaso lang sobrang liit nya. Tiis ganda muna sya. Pwede pa naman sya eh.
2. LG Fully Automatic Washing Machine - Nung napadaan ako sa SM nakita ko to at grabe nainlove ako sa kanya. Medyo affordable kasi at sabi dun eh energy saver daw sya. Oh di ba pak na pak, lalo na kung sobrang dami ng labada. At take note may dryer na sya. Parang wash and leave ang emote so madami akong magagawa habang naglalaba sya kasi di na ako magmanual.. Di naman sa tamad lang kailangan lang ng upgrade. Un old washing machine namin ay Hanabishi at sobrang tibay nya hands off ako dito 2004 ko pa yata to nabili. 15 years na sya kung tutuusin. Medyo nagbabadya na sya ng retirement kasi un mga nob nya minsan di na nag-auto pero as usual habang pwede pa eh di go. Wag muna syang mag retire completely kasi wala pa akong pambili.
3. Lagermania or Hanabishi Oven - Actually mga Inay, I am a frustrated baker. Lols. Ewan ko kahit di ako marunong eh nasisiyahan ako tuwing nagbibake ako. Gusto din naman ng mga tao un nabibake ko o wala lang silang choice. haha. Ang gamit ko ay stove top manual oven at meron syang thermometer para malaman ko yun heat sa loob. Sabi ko sa sarili ko one of these days magkakaron ako neto. Isa to sa pinag iipunan ko.
So ayun, mangangarap muna ako ng gising. Sana bago mag year 2020 nakabili na ako ng kahit isa man lang sa mga eto.
Pagbubutihan ko pa ang aking saving power. At gagawa pa ako ng paraan para dumami ang income stream ko.
Hopefully.
O sya mga Inay kayo ano ba ang New Years Wish List nyo??