Happy Valentines mga Inay.
Naku isa eto sa mga dilemma of all time ko. Di ko kasi magawang magbreak even paano ba naman isang source of income lang ang inaasahan namin. May mga part time ako pero paminsan minsan lang. Sa dami ng bayarin hindi sumasapat ang gastusin at income. So paano talaga magbreak even? Iniisip ko may loophole etong sitwasyon namin. Hindi pwedeng mas malaki pa ang expenses sa income kundi super negative ang mangyayari. In other words walang tira. Which is unacceptable. Paano na lang ang ipon? Ang future kung lageng ganito mga Inay.
So dito pumapasok ang prinsipyong tipid tipid din. Bawasan ang dapat bawasan like:
- kuryente - magtipid at bawasan ang pag gamit ng aircon
- groceries - bumili lamang ng kung ano ang kailangan. Gumawa ng listahan
- online shopping - iwasan
- pagkain sa labas at pagmalling - iwasan din.
- credit card - kung walang pambayad, huwag gumamit. kundi mababaon ka lang.
**photo not mine