she's having fun in the boat. |
One lazy afternoon nag gala kami ng pamilya ko sa Tiendisitas. Malapit lang naman kasi eto sa amin saka ilang weeks na din kaming di lumalabas ng bahay kasi lageng may pasok o kaya madaming gagawin. Buti na lang nakapasyal kami. Stroll lang. The typical window shopping lang. Haha. Wala pang budget para sa shopping. Kumakaway na kasi si Billy (bills) at Judith (due date) lol.
So ayun sa kakalakad namin nakita namin ang DECATHLON SHOP. Nasa 2nd floor to ng Tiendistas ha. Napakalaki nyang shop. Isa etong bagong shop that cater to all sports enthusiast. As in Haven sya guys. You have to see it to believe it. At eto pa napakareasonable ng prices nya may mura may mahal at madami ka pang pagpipilian. Bet na bet ko talaga napaluwa ang mata ko. Kaso luwa din wallet ko kaya patingin tingin na lang ang Inay nyo. Inenjoy ko lang at binusog ko ang mga mata ko sa pagpasyal namin dun. At least next time alam na namin pag kailangan ni Luna ng mga sports apparel pag kailangan ni Luna sa school.
Napakadaming equipments pang exercise, sports apparel, shoes, tent, boats, fishing rods, bicycle at kung ano ano pa. Maganda pa dun my mga area sila na pwede mong itry yun mga gamit san ka pa?
Isang picture lang yata ang nakuha ko. haha. mg upload na lang ako ng video para makita nyo din,
Kayo mga Inay? Ano naman ang something new na nadiscover nyo?
Follow me and I will follow you 😍 😘