Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click 🖱 through some of the affiliate links 🔗. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.🥂 🥂 🥂

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Sunday, February 10, 2019

CONVO

Hello mga Inay.

Gusto ko lang ishare sa inyo yung convo ng mag ama ko.

Oras na ng meryenda at syempre pa proud na proud ako sa ginawa kong HOME MADE ICE CREAM.

Luna: Daddy, why you do not want ice cream? Are you afraid to get fat?
Daddy:  No.  I am not in the mood for ice cream.
Luna: Oh.  Me I love ice cream and I am not fat.

Napakawitty ng anak ko sa edad nya alam nyang nakakataba ang ice cream.  Wala lang natuwa lang ako. 


 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 

Saturday, February 9, 2019

SOMETHING NEW| Decathlon Sports Shop


she's having fun in the boat.
Hello mga Inays.

One lazy afternoon nag gala kami ng pamilya ko sa Tiendisitas.  Malapit lang naman kasi eto sa amin saka ilang weeks na din kaming di lumalabas ng bahay kasi lageng may pasok o kaya madaming gagawin.  Buti na lang nakapasyal kami.  Stroll lang.  The typical window shopping lang. Haha.  Wala pang budget para sa shopping.  Kumakaway na kasi si Billy (bills) at Judith (due date) lol.

So ayun sa kakalakad namin nakita namin ang DECATHLON SHOP.  Nasa 2nd floor to ng Tiendistas ha.  Napakalaki nyang shop.   Isa etong bagong shop that cater to all sports enthusiast.  As in Haven sya guys.  You have to see it to believe it.   At eto pa napakareasonable ng prices nya may mura may mahal at madami ka pang pagpipilian.  Bet na bet ko talaga napaluwa ang mata ko.  Kaso luwa din wallet ko kaya patingin tingin na lang ang Inay nyo.  Inenjoy ko lang at binusog ko ang mga mata ko sa pagpasyal namin dun.  At least next time alam na namin pag kailangan ni Luna ng mga sports apparel pag kailangan ni Luna sa school.

Napakadaming equipments pang exercise, sports apparel, shoes, tent, boats, fishing rods, bicycle at kung ano ano pa.  Maganda pa dun my mga area sila na pwede mong itry yun mga gamit san ka pa?

Isang picture lang yata ang nakuha ko.  haha. mg upload na lang ako ng video para makita nyo din,

Kayo mga Inay? Ano naman ang something new na nadiscover nyo?



 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 

NEWSFLASH| Measles Outbreak

 


Hello mga Inay.


Ano nga ba ang measles -  pag ang anak nyo ay naubuhan at nabahingan ng isang infected person siya ay mahahawaan neto kaya kung nakaka experience na kayo ng ubo at sipon I suggest mag mask kayo everytime na lalabas kayo ng bahay para makaiwas sa posiblemg pagkahawa.  Ugaliin din maghugas palage ng kamay para di tyo makahawa or mahawaan lalo na ang mga bata na mahina ang resistensya.

Nakakabahala ang Measles Outbreak ngayon lalo na pag meron tayong malillit na supling.  Di kasi sila nagsasabi wala lang silang magawa kundi umiyak lalo na kung di maganda ang pakiramdam nila  Hay.  

Kaya mga Inay kung may pagkakataon kayo magpabakuna sa pinakamalapit na health center.  Libre naman eto kaya mabuti ng makasiguro kesa magkaproblema tayo later on.

eto ang signs and symptoms nya mga Inay:

  • high fever
  • non productive cough
  • runny nose
  • sore throat 
  • conjuctivitis
  • red skin rashappears 3-5 days after symptom occurs.

 Ingat po at lalong mas ingatan natin ang ating mga anak.  At para makasiguro sumangguni po sa inyong pediatrician or sa malapit na hospital o sa health center.  Ang measles po ay lubhang delikado lalo na sa mga sanggol at nagbubuntis.

Para sa news balita bumisita dito.



***Photo credits to the owner.

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

Thursday, February 7, 2019

FINANCE | SSS Loan Restructuring Program

                                                        
Image result for sss
                                                                 
Hello mga Inay.

I happened to pass by at SSS Alimall Cubao this afternoon due to some errands.  And I asked some information regarding my previous salary loan last 2018.  Thankfully the lady was so polite and explain to me everything. 

She said, all I have to do is fill up the form and submit it to an SSS Branch near me.  The assessor will help me adjust my monthly payables in order for me to settle the full amount.

Oh well, ang hirap ng may utang.  And besides it is but my duty and obligation to settle it kasi ako naman ang gumamit nun at syempre para sa future dahil di mo alam kung kelan mo ulit kakailanganin  mag loan.

Di ko lang alam kung magkano na ang aabuting interest nun but hopefully ma adjust pa sya.
By the way mga Inay sa SSS website lang ako nag apply ng loan ko at kinlaim ko lang sya sa accounting namin nung akoy employed pa.  

Nga pala sa mas maganda kung sa internet explorer nyo sya buksan.  Dahil un ibang menu di nakikita sa Google Chrome or Firefox ewan ko kung bakit.

Kayo mga Inay meron din ba kayong unsettled SSS Loan??
 Wag po kayong mahiyang pumunta sa main branch para mahinto na yun paglaki ng interes nya.  Para rin maiwasan ang pagkakaron nyo ng problema sa future.

***Phot0 credits to the owner

Wednesday, February 6, 2019

How to get rid of head lice?? Kuto pa more..


Hello mga Inay.

This morning I was wondering why my daughter kept on scratching her head.  She often complained about how itchy it is.  Especially when she is in class.  So before she go to school this morning I used the small tiny comb or suyod.  And I was shocked.  Because she has lice.  Hay naku nakakaloka mga Inay.


My daughter is 7 years old and I know here in the Philippines head lice is very common among her age group.  I am not sure where did that parasite came from.  Basta masarap sila tirisin.  Anyhoo.  I immediately go to the drugstore and purchase some shampoo to get rid of lice.  

I bought Oilganics, licealiz and kwell.  Let's see which one is effective. 



May problema din ba kayo sa kuto?

 

SOMETHING NEW| The Manila Bay Craze





Hello mga Inay.

Nabahala lang ako sa eksena ngayon sa Manila Bay madaming mga tao, bata man o matanda ang walang patumanggang naliligo dito.  Guys oo maganda at malinis na sya pero makininig sana tayo.  Di pa ho SAFE maligo sa Manila Bay.    Baka magkasakit lang ho kayo sa ginagawa nyo.  Imaginin nyo nagsiswimming kayo sa dumi na di nyo nakikita.   Mataas pa ang coliform level ng tubig.  Madami pang dumi ang di naalis jan dahil tuloy tuloy pa din ang ang agos ng mga ilog na na nagkokonek jan.  At di lang yun, yung lupa mismo ng dagat ay may bahid pa ng dumi.  Napakalaking hazard po eto lalo na kung may maliliit pong mga bata.  Pwede kayong magkasakit sa balat, magtae at madami pang iba lalo na kung makakainom kayo ng tubig.

Tandaan natin mahirap at mahal magkasakit.  Di ako kill joy.  OO kaaya aya at nanghahalina ang dalampasigan ngayon lalo na at walang mga basura.  Pero imbes na maligo kayo tumulong na lang po kayo na pag ibayuhin pa ang pagpapanatili na malinis ang ating kapaligiran.  At pag nangyari yun mas lulusog pa at sisigla ang Manila Bay.

At please lang wag muna kayong kumain ng seafood na huli jan sa Manila Bay baka sumakit pa ang inyong mga tiyan.  Huwag naman po sanang matigas ang ulo lalo na at magsasummer paulit ulit naman po kayong pinapaalalahanan na di pa pwede.  Pag kayo po ang nagkasakit ay kayo na rin po ang may gusto nun.  Gusto nyo po bang maging pasakit sa mga ka anak nyo?  Buti po sana kung lahat may pera pero kung wala din po ay isa etong malaking problema.

I enjoy nyo na lang ang view at lalong lalo ang sunset.

Ano sa palagay nyo mga Inay?
 

***Photo not mine


 Follow me and I will follow you 😍 😘 

Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates