Hello mga Inay.
So kanina nagpunta kami sa Pediatrician ni Luna dahil sa matindi nyang ubo. Abah 4 days na at di pa din nawawala. dyaskeng ubo naman. Akala ko dahil lang yan sa panahon at virus siguro both. Malas lang si luna nadapuan.
Anyway, so ayun mga inay nagpacheck up kami at niresetahan kami ng mga nebules at antibiotics. Nagpareseta din ako ng vitamins kaso sabi ni doktora eh saka na lang yun magpagaling muna sya.
Diretso kami sa Southstar kasi meron akong SUKI CARD. Alam nyo naman points din yun.
Eto nga pala ang mga nireseta.
Asmalin Php25.75 each
Asmavent Php 93 each
Cefixime 60ml Php 800.00
Habang nasa claim section ako nakita ko ang Appeton at Nutren Junior. Sabi ko sa sarili ko pag nagkabudget ako at nagoogle ko muna ang review sa kanila eh bibili ako. Kasi di lang sa pag gain ng weight may problema ang anak ko meron din syang lactose intolerant at naconfine sya last time due to severe dehydration. Nagtry din kami mag Pediasure kaso inatake naman sya ng hika nun kaya di ko alam kung sa milk ba yun eh.
According kay beshfriend Google
Nutren Junior ay Php 509.25/ 400g
- is best recommended to kids aged above 3 years old who are with
- Below average weight and height
- Poor appetite
- Recovering from illness
- Before or after surgery
- Swallowing difficulties or painful oral conditions.
- prebiotics/probiotics
- lactose free/gluten free/low residue
- 2 flavors: Vanilla/Chocolate
Appeton ay Php 1388.00/ 450g
Mukhang itatry ko ang Nutren Junior. Swak sya sa budget.
May maisasuggest ba kayo mga Inay?