Google

Buy me a cup of Coffee please ☕️ ☕️ ☕️

Remarks

This blog sometimes earn when you click πŸ–± through some of the affiliate links πŸ”—. Do not worry it will not cost you any dime nor harm. This is just a means to support this blog. Cheers.πŸ₯‚ πŸ₯‚ πŸ₯‚

Featured Post

Balik Pinas an OFW Guide | Kwentong OFW

Hello sunshine.     Kumusta naman kayo jan? Lalo na yun mga pauwi na ng pinas.  Bago kayo sumakay ng eroplano make sure po na magregister ka...

Klook.com

Tuesday, June 29, 2021

Anong solusyon sa Body odor sa 9 year old? | Big Problem

 

Hello mga sunshine.  

 

Magandang araw.

 

Ako ay naloka nung sabihan ako ng anak ko na mabaho daw ang kili kili nya.  Opo may kili kili powers sya.  Nakakahiya manπŸ˜“ ipaalam sa buong mundo ay totoo po at naconfirm ko sa pamamagitan ng pag-amoy ko ng kili kili nya at maasim-asim nga😒. (pasintabi sa mga kumakain jan) Dinaig pa ang may pasabog ng di naligo ng ilang arawπŸ’£. hehe. 

 

Well, nawindang ako kasi nasa loob lang naman kami ng bahay at wala sya masyado activity.  At ang masaklap pa neto ay kakaligo nya lang halos wala pang 1 hour nun.  Ang mas nakakaloka dun ay sya po ay 9 years old lamang.  Tama po ang inyong nababasa. 9 years old lamang sya at may maasimπŸ‘ƒ na syang amoy sa kili kili. Hindi ko po mawari kung san nya iyon nakuha eh nasa loob lang naman kami ng bahay at naka aircon pa. 

 

Sa pagkakaalam ko kasi sa mga teenager lang eto at mga preteen kadalasan.  Kaya nga to the rescue ang mga Inay natin mga sunshine na sa ganyang edad ay meron na silang sariling roll on. 


Pero ako mga sunshine hindi ako prepared.  Pero buti na lang at mayroon kaming powdered Tawas. Pinaliguan ko sya agad at tinuruan ko paano hugasan ng maigi ang kanyang kili kili at private parts.  After maligo tinuyo ko sya ng husto saka ko nilagyan ng durog na tawas ang kili kili nya.  Araw araw namin tong ginagawa.  Ayoko kasi pagtawanan sya ng mga pinsan nya at asarin.  Kawawa naman eh pwedeng pwede naman natin solusyunan ang problema di ba mga sunshine?


Pag naliligo din sya ay nilalagyan ko ng konting baking soda ang pambanlaw nya medyo madulas nga lang sa pakiramdam ang may baking soda sa balat.  Make sure din na well hydrated ang ating mga anak at cotton ang kanilang damit.  Madalas ko din syang palitan ng damit para na rin mapreskuhan sya at di na magtagal pa ang pawis sa katawan nya.


Sa labahin naman nilalagyan ko ng suka ang huling banlaw.  Kasi may anti-bacterial property ang suka.  Hindi naman nangangamoy suka ang mga damit bagkos ay amoy fresh pa eto.

 

Hindi ko po sya pinagamit ng roll-on or ano mang deodorant.  Masyado pa kasi syang bata para dito.  Dun muna kami sa all natural approach.


Kahit na maliit pa ang anak ko ay tinuturuan ko sya ng good hygiene para na rin eto sa pagprepare sa kanyang pagdadalaga.


Sana may natutunan kayo mga sunshine.


Kayo po ano ang ginawa nyo para mawala ang BO ng inyong mga anak or ng inyong katawan?  Let's share po.


#tipidtips

#tawas

#notobodyodor


~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~ 

 ***Not a paid post.

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

🧾 FB Page

 πŸŽ¬ Youtube  

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Monday, June 21, 2021

Honest bee - my go to online grocery app| Product Review

 

 Hello Sunshine,

                                        Preview

 

Isa ako sa mga fan ng online shopping.  Lalo na pag sa grocery.  Kaya napakahandy lang sa akin ng pag add to cart.  Ang gamit ko pa noon ay ang Honestbee app at namimili ako sa Robinson Supermarket.    Naalala nyo pa ba eto? Sila ang nagpa uso ng pagdedeliver ng grocery sa mga bahay bahay.  Napakalaking tulong neto sa akin lalo na noong nagtatrabaho pa ako at wala ako halos oras magpunta ng grocery.  Kahit nga sa Southstar noon pwede ako umorder gamit ang Honestbee.  mayroon silang COD meron namang online payment.  At pag may hindi available sa cart mo tatawagan ka nila para tanungin ka kung anong alternative.   Hindi lang yun, kahit umuulan ay nagdedeliver din sila.  Kaya naman nakakatuwa.  At yun mga pinamili ko ay kumpleto at maayos na nakasalansan.  Maari mo din tawagan yun online shopper na naka assigned or yun kumuha ng orders mo kung may ipapadagdag ka or para magfollow up.  Then pwede ka din magpaschedule kelan ideliver at anong oras.  Total convenience talaga sa consumer part.


Mayroon din silang referral link noon na kung may mag sign up na mga kaibigan at kakilala ay mabibigyan ka nila ng rebate.  Pero ngayon ang dami ng mga app na nag ooffer ng online grocery like shoppee, grab at kung ano ano lang.  Nakakamiss lang ang Honestbee.  I am one of the satisfied consumer.

 

Hindi ko lang alam ano nangyari at wala na ang Honestbee ngayon.  Madali pa naman gamitin kahit yun website nila. napaka user friendly.

 

Mga sunshine ano ang gamit nyong online grocery app? 


Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️



 

~~~~~~~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~ πŸ’— ~~~~~~~~

 ***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG

 πŸ§Ύ FB Page

 πŸŽ¬ Youtube 

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Sunday, May 16, 2021

Efficascent Oil with menthol | Product Review

 Hello mga sunshine.


Magandang araw.  Kamusta naman kayo jan?  Nakakatawa ano po?🀭 ang Ikikwento ko ngayon sa blog ko ay ang efficascent oil.. yes tama po ang nababasa nyo mga sunshine dahil aaminin ko po malaking ginhawa ang binibigay sa akin ng efficascent oil na eto.  Lalo sa panahong sumasakit ang likod ko😰 sa maghapon na trabaho at nakakaramdam ako ng paninigas ng kalamnan at kabag dahil sa sobrang aircon😡 . Abay pagdating ko ng bahay at pagkalinis ng aking katawan bago matulog nagpapahid ako neto sa likod at sa aking tyan.


Hindi ko kinakahiya na naghaplas ako ng efficascent oil mas mainam yun may menthol dama ko talaga ang lamig nya at pagiging effective nya. hihi.😊  Tapos magtatalukbong lang ako ng aking kumot kahit bara ng ilong tanggal.  Kahit na kantyawan pa nila akong amoy matanda na ako eh mano ba naman kung ganun yung amoy kung ang ginhawa naman na nabibigay sa akin at nakakatulong na mabawasan ang sakit ng aking katawan oh di ba?  Aarte pa ba? Basta masarap ang tulog, bawi na πŸ›ŒπŸ». Kinabukasan ready na naman rumatsada sa trabaho ang inyong sunshine.


Ginagamit ko din eto sa anak ko mga sunshine.  Pero konti lang.  Madalas alkamporado ang pinapahid ko kung masakit ang kanyang tyan at kung may panlalamig naman nilalagyan ko din sya sa talampakan at minamasahe ko sya sa likod ng alkamporado.  Pero mas madalas ako ang gumagamit ng Efficascent Oil.  Kahit san ako magpunta ay may baon akong haplas para pag kailangan ko ay agad agad mayron.  Di mo kasi masabi kung kailan ka papasukin ng lamig lalo na kung babyahe ka ng malayo at malamig sa sasakyan.  Asahan na agad na mananakit na likod kosa kakaupo at kakabagin na ako sa lamig. ahihi.🀭


Kayo mga sunshine, nagamit din ba kayo neto??


Rating: 5 Stars ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️

Price: P33.75

Store: Southstar

 

***Photo credits to the owner. 

 Follow me and I will follow you 😍 😘 

πŸ“Έ IG 

🧾 FB Page

🎬 Youtube

πŸ“§ Email/Business/Collab: wengthoughts@gmail.com

Friday, March 15, 2019

The Road to Fnancial Freedom


Hello mga Inay.

I am looking forward to the day that I will achieve Financial freedom.  This is not an easy journey and achieving this kind of goal is very hard to achieve especially if you are like me, I am depending on a sole income alone.  This will take time.  Hard work will be my buddy but I will not depend on it. I am hoping for a bit of sheer luck along the way.  And by God's grace I will attain my hopes and aspiration in life.

Almost all people work hard and mostly they are not reaping their worth.  Because the big bosses are greedy and they only want to be the one who is on top of the food chain.  While the poor employee gives his own blood, sweat and tears and just received a fraction which is barely enough to provide for his family.  These people are looking for options and they are dealing with this everyday, but not every body gets out of this predicament.

I want to be my own boss.  I do not know how will I do it.  It is like turning my life around in a 360 degree.

Possibilities are endless but my resources is just limited. Oh well.  

For someone out there who attained Financial Freedom please share us some tips.  I want to be just like you.




 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 

Tuesday, March 12, 2019

Globe VDSL Broadband What's that?


Hello mga Inay.

Image result for globe vdsl


Yesterday a Globe agent called me and said that our account is qualified to upgrade to Globe VDSL Broadband.  I was not familiar with the VDSL so I immediately asked the person what is it.  He said that it is more stable than ADSL and it is way better.  Almost like of the Fiber.  I was stunned because I documented here on my blog that 2 or 3 weeks ago an agent also called saying that we are qualified for the Globe Fiber upgrade and when the technician visited our place they said that the socket was very far and it is not doable.  Geez.


Pinaasa lang ako.

 
Now, Globe is offering another broadband but according to them I will not pay anything and that my monthly bill will still be the same and the speed as well.  So,  I agreed to the said upgrade because there is no cost at all and they will replace our new modem with a new one. Yey.  These plan is offering stability. 


Anyhow, I don't have any problems with Globe.  Except that their hotline is difficult to contact at times.  Lol.


Remarks/Perks:
Free upgrade from ADSL to VDSL (they say this is the 2nd best)
Free modem
Free installation 
Same Plan
No reset on my Lock-in period 


Monthly Bill 
Our plan is P1899 each month unlimited internet plus landline at 15mbps because the 20mbps is not yet available in our area.


I will give you an update if the installation will pursue.  


So mga Inay may tumawag din ba sa inyo na taga Globe?  Ano sabi?



 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 
 
 
 

Make Money at Klook


Hello mga Inay.
Image result for klook travel fest



I recently signed up at Klook Travel because I am booking a trip to Kidzania Manila.   I was looking for an affordable price online  even on their main website the price is kind of steep.   When I found out that Klook is affiliated with my favorite Shopback I immediately signed up.  If you do not know Shopback it is a great website which offer rebates on your purchases online. After you accumulated P200 worth of rebates you can withdraw it in your bank.  If you are interested please click here.  No sign up fee.  For my payment proof please refer here.


I purchased Kidzania Tickets for P4400 and I've got a rebate at around P80 through Shopback this is what I call double whammy.  If I purchased this through their website well I will not get anything at all. 


As for Klook it is a website which offers a ticket for some attraction tour not only here in the Philippines but some part of Asia.  The good part is that they are tied up with my favorite shopback which offers great rebates from almost all online transactions.   Can you imagine my excitement??For those of you who are not familiar with Klook it is a website which offers booking for travel, food, attractions that offers great discount.   It is mainly the website for anything and everything you need. 

As per shopback I can get 3% rebates out of my purchase.  Not bad at all.  I earned P80 just for getting a ticket from them,  I am telling you no one in this world will give u a cent out of your purchases except Shopback.


When I signed up from Klook and found out they are offering affiliate program.  I never hesitated because I am a proof that all my transaction with them is smooth and clear.  I am supporting their website by posting my affiliate link here and who knows I might earn from them in the future.  Crossing fingers.

By the way the best part about Klook is they are giving great discounts off for your travels, tours and site recreation.


Rewards
I am giving away P150 when you signed up under me.  Please click KLOOK TRAVEL  
Do not worry joining is free.  And you can now choose what type of tours, site attractions you'd like.


Kayo mga Inay nasubukan nyo na ba magbook sa Klook?



 Follow me and I will follow you 😍 😘
IG 
 
 


Get Discounts on your travel

Klook.com Klook.com

Infolinks In Text Ads

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Template by:

Free Blog Templates